Chapter 37

326 51 7
                                    

Helena suddenly froze in her seat. "What to do? What to do?" Bulong niya sa kanyang sarili. Nanlalamig ang kanyang buong katawan habang tinatanaw ang convenience store na pinasukan ni Elmo. "It's now or never, Helena. Ano pang ginagawa mo? Bumaba ka na, bilis!" Pero tila ayaw maki-cooperate ng kanyang katawan sa kanyang isipan. Hindi pa siya kinabahan nang gano'n katindi kaya hindi rin niya alam kung paano isasabay ang kanyang paghinga sa hindi niya ma-control na kaba. "Helena you're an idiot! Kumilos ka na, gaga ka!" Unti-unti na niyang iginalaw ang kanyang mga kamay upang tipunin ang handbag at duffel bag na nakapatong sa kandungan at ibabaw ng mga binti niya. "Isa..." ang pagtibok ng sariling puso ang tanging naririnig niya sa magkabilang tenga, "dalawa..." saka niya binuksan ang pinto, "tatlo!" Saka ito nagmadaling lumabas na tiyempo rin naman sa paglabas ni Elmo sa convenience store.

"Helena?!" Humahangos na ito palapit sa kanya. "Where are you going?"

Nilingon lang ito saglit nang dalaga pero tumakbo rin naman agad ito papalayo.

Mas binilisan naman ni Elmo ang paghabol kaya inabutan rin niya ito bago tuluyang nakalabas sa lote ng gas station. Nanginginig sa takot si Helena nang humarap ito kay Elmo.

"Bitawan mo ako, kundi'y sisigaw ako!" Pagbabanta ng dalaga.

"H-ha?" Nagulat si Elmo sa tinuran ni Helena kaya agad naman nitong binitawan ang dalaga, "a-ano bang nangyayari? Bakit parang takot na takot ka sa 'kin?"

"Ikaw ba ang stalker ko?"

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Elmo, "stalker mo? W-what do you mean?"

"'Wag ka nang magmaang-maangan pa. Nakita ko 'yung red hoodie, maskara, at ang gloves sa loob ng van mo. 'Yung lagi mong suot-suot kapag sinusundan mo ako, 'di ba?"

"I'm sorry, Helena. But I do not understand what you're saying. Anong red hoodie, mask, at gloves? Wala namang gano'n sa van ko right now."

"Bakit hindi mo tingnan ang backseat mo?"

Napakamot sa ulo si Elmo, "we can take a look together if you want."

"I am not getting into your vehicle anymore."

"Sure. You can look at it from the outside if that could make you feel safer."

Tinapunan lang ng matalim na tingin ni Helena si Elmo. Elmo took it as a skepticism and lack of trust kaya sumimangot na ito, "marami namang tao rito anong bang puwede kong gawing masama sa 'yo kung sakali man. I just need you to confirm what you saw inside my van, kahit sa labas lang, dahil kung ako ang tatanungin mo, hindi ko alam ang sinasabi mong red hoodie sa backseat."

Hindi makagalaw si Helena sa kanyang kinatatayuan. She definitely does not want to go back to the van sa takot na bigla na lang siyang hatakin ni Elmo sa loob, at wala namang magagawa ang mga taong nakapaligid sakaling dukutin man siya in broad daylight.

"Ayoko." Umiiling-iling na turan ng dalaga kay Elmo. "Uuwi na 'ko." Sabay talikod sa binata.

Copyright ⓒ 2017, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"So gano'n na lang 'yun? Pag-iisipan mo na lang ako ng masama nang wala kang ebidensya? Ganyan ka ba talaga?"

Nakasimangot na nilingon ito ni Helena, "at ano naman ang ibig mong sabihin?"

"Nanghuhusga ka na lang basta-basta na nakabase lang sa interpretasyon mo sa mga nakikita mo. Nakakatakot ka palang maging witness sa kahit anong krimen dahil mahilig kang mag-jump into conclusion, kahit na wala ka namang matibay na ebidensya. 'Di ba ganyan din ang ginawa mo sa boyfriend mo kanina? Paano pala kung namamalik-mata ka lang? Paano kung mali ka lang ng pagkakaintindi sa nakikita mo? Hindi ko naman sinasabi sa 'yo na sumakay ka ulit sa van ko. If you want to go, I'll let you go. Pero parang hindi naman 'yata fair na basta mo na lang akong pagbibintangan ng masama ng wala ka namang pinanghahawakang ebidensya."

"Helena!"

Napalingon silang pareho sa pinanggagalingan ng malakas na pagtawag na 'yun. It was Paolo getting off his car.

"Kung gusto mo, kayo pang dalawa niyang boyfriend mo ang tumingin sa tinutukoy mong hoodie at mask." Alok ni Elmo habang pinagmamasdan nila ni Helena ang paglapit sa kinaroroonan nila ni Paolo.

***

Matinding katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan ni Paolo hanggang sa makaparada ito sa mismong tapat ng gate nina Helena. Paolo is too upset with everything that has happened kaya mas minabuti na lang niya ang manahimik kahit na si Helena na ang medyo lumambot dahil sa sobrang hiya nito sa maling pagbibintang nito kay Elmo, at sa kanya.

"I swear I saw those in the backseat." malumanay na pagbasag ni Helena sa katahimikan. "S-since I was proven wrong, m-maybe I was also wrong with my suspicions about you and Gabbie. I-I'm sorry, Pao."

Helena was hoping na babasagin na rin agad ni Paolo ang pananahimik kaya medyo kinabahan siya nang hindi pa rin ito nagsalita. Nakatingin lang ito sa unahan ng sasakyan; magkasalubong ang magkabilang kilay.

"P-Pao?" Helena gently touched Paolo's biceps. "A-are you ok?"

Sa halip na sumagot ay umiling lamang ito nang marahan.

"I-I'm sorry."

"Bumaba ka na. Pumasok ka na sa loob." Mahinahon ngunit malamig na wika ni Paolo, "baka nang-aalala na ang parents mo." He wasn't even looking at her.

"Papa'no tayo? Paolo. I want to set things clear before we part ways tonight."

"You already dumped and humiliated me sa harapan pa mismo ng lalaking 'yun, 'di ba?!" Biglang singhal ni Paolo, bagaman nananatiling kalmado at mababa ang tono nito. "So, ano pang kailangan mong i-clarify sa 'kin? Malinaw naman sa 'kin ang lahat ng sinabi mo. Hindi naman ako bobo na kailangan mo pang paliwanagan pa nang paulit-ulit. Kung break na tayo eh 'di break. Pero dahil nangako ako sa parents mo to bring you home safely tonight, I have to keep my word as if my life depends on it. So don't worry, ok? Hindi kita hinabol kanina at inihatid ngayon dahil may gusto pa akong ayusin sa 'ting dalawa. 'Tsaka, mas mabuti na nga rin siguro itong nangyari..."

"A-anong ibig mong sabihin?" Nanliligid na ang mga luha ni Helena.

"Mabuti na rin 'yung sinubukan nating maging tayo and eventually find out na hindi pala talaga tayo puwede. Magkaibang-magkaiba ang ugali natin. Hindi tayo compatible."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Helena, "At kanino ka compatible, kay Gabbie? Kaya siya na ang babalikan mo?"

Ibubuka sana ni Paolo ang bibig upang magsalita. Medyo natutukso itong ipaliwanag kay Helena ang tunay na working relationship niya ni Gabbie, pero mas minabuti na lamang nitong pigilan ang sarili thinking that telling Helena the truth is no longer necessary given the circumstances, "Could also be a totally different girl. Someone who respects me and trusts me without budging. Someone who will never, ever degrade my manhood, especially in front of another. Someone who will not lay quick judgments on me without proof. Someone kind and appreciative of me. Someone who will keep me safe in her heart. Someone—"

"Someone, not me?" Nanginginig na si Helena sa sobrang pagpipigil na hindi tuluyang mapahagulhol sa harapan ni Paolo.

Nagkibit-balikat si Paolo. "I loved you, Helena, but..."

"Loved?"

Sandaling natigilan si Paolo. "Yes. Loved."

Tinuunan na ni Helena ang magkabilang palad niya ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na nararamdaman.

"As I've said." Pagpapatuloy ni Paolo. Nananatiling blangko ang emosyon nito, "I loved you, but I'm afraid it's not strong enough to fight for, maintain, and sustain. And for that, I'm sorry, as well, Helena. I sincerely hope you find someone who will love, care, and treat you better than I did."

[ITUTULOY]


My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon