"Bitawan niyo 'ko!" Nagwawala si Helena sa loob ng Van.
"Hey!" Bulyaw ng lalaking nakamaskara sa front passenger's seat. "Bitawan niyo! Kapag nagkapasa 'yan, malalagot tayo kay Boss. Mahal yan. Two point seventy-five billion pesos ang halaga niyan!"
"Eh nagwawala eh." Reklamo ng isa sa dalawang lalaking nakahawak ng mahigpit sa braso ni Helena.
"Kahit na! Bitawan niyo! Sabi ni Boss, mahigpit na kundisyones daw ng highest bidder na panatilihing malusog at makinis ang balat niyan, mula ulo hanggang paa. Kung ayaw nating mabawasan ang bayad! Alam mo namang diyes porsyento pataas ang nababawas sa damaged goods 'di ba?"
"Hmp, rereypin at kakatayin din naman 'yan, ba't kailangan makinis pa!" Pabulong na pagmamaktol ng sa sa dalawang lalaki matapos nitong bitiwan ang braso ng dalaga.
Nagulat si Helena sa sinabi nito kaya wala pang dalawang segundo siyang nabibitawan ng dalawa pinagsasampiga niya ang mga ito nang magkakasunod. Gaganti sana ang reklamador sa dalawa nang muli itong binulyawan ng lalaki si front passenger's seat. "Tangina subukan mong sampalin 'yan, kapag lumatay 'yan hindi kita pagtatakpang putang ina mo! Tiisin mo 'yang init ng ulo mo kung ayaw mong makapon ni Boss! Ginto na magiging bato pa dahil sa putang ina mo! Kaya halos wala tayong na-kickback nitong huli ay dahil sa init ng ulo mo! Pag nabulilyaso na naman ang kumisyon natin d'yan, ako mismo ang papatay sa 'yong putang ina mo!"
Wala na namang naireklamo pa ang reklamador kundi ang pagkakamot sa sariling ulo. Sinamantala naman ni Helena ang sitwasyon kaya pinagsusuntok nito ang mga katabi hanggang ang mga kamao na niya mismo ang sumuko at nagdugo.
"Anak ng—" nang mapansin ng lalaking nasa front passenger's seat ang pagdudugo ng magkabilang kamao ni Helena. "Bakit nasugatan 'yan?"
"Pucha! Anong bakit?" Sabi ng lalaking reklamador, "nakita mo namang siya itong sumasapak sa 'min. Kita mo nga 'tong mga labi namin ang dumudugo."
"Tsk. Igapos niyo na nga lang sa kinuupuan'yan." Utos ng lalaking nasa front passenger's seat, "pero 'wag 'yung lubid baka bumakat sa balat!"
"Eh anong gagamitin namin?"
"Ibalot niyo ang buong katawan sa plastic wrap, do'n sa likod!"
****
"Montero! I can see you parallel our target!" Si Gabbie, nakaupo ito sa tabi ni Gus sa loob ng sattelite van. Nakatitig ito sa isa sa walong monitors sa harapan nila ni Gus. "Masyado kang mabilis. Are you planning to intercept? Dude! Negative tayo sa interception, we need to find out where they intend to take her."
Hindi sumagot si Paolo, though it is apparent that he's on the other line.
"He's turning North-East." Si Gus kay Gabbie habang nakatutok ang mga mata nito sa locator, "He's almost a mile ahead. I think he's going to cut!"
"Montero, please!" Natatarantang bulyaw ni Gabbi mic ng suot nitong headphone. "We also need to locate the other victims, don't fucking screw our plan up! Monter—!"
"You don't need to scream, hindi ako bingi." Kalmadong sagot ni Paolo sa kabilang linya.
"Then what the fuck are you doing?!"
"I am only getting as close as I can." He lied, dahil ang totoo, gusto niya talagang ma-intercept ang van by instict, para makuha niya agad si Helena. But as he simmered in the chase, he realized that it can only make things worse dahil mailigtas man niya si Helena ngayon, hindi pa rin nila titigilan ito hangga't hindi niya nape-penetrate ang sindikato to unlist her. Hindi rin nila malo-locate ang headquarters kaya hindi rin nila maililigtas ang ibang mga bihag. Everything they've planned for will be put into waste, dahil hindi rin nila malalansag ang kanilang target.
BINABASA MO ANG
My Incognito HeartBreaker
RomanceKatropa Series Book 10 - Helena and Paolo have harbored a covert love for each other since childhood, yet each carries burdensome secrets they dare not reveal. Paolo, a young CPA Lawyer, an heir to a vast international business empire, and a self-ma...