Chapter 8

7.2K 458 95
                                    

"Paolo?! Oh my G—Are you Ok?" sinapo na agad ni Gabbie ang mukha ni Paolo sa pagkabukas pa lang ng pintuan.

"I'm alright...and you?"

Yumakap muna sa kanya si Gabbie, "Gosh! You scared the heck out of me when I heard the news. I-I'm alright. As you see, I'm safe."

Nagyayakapan pa ang dalawa sa may pintuan ng HB or Home Base ni Gabbie nang biglang may tumikhim sa loob. Napasulyap si Paolo sa taong tumukhim. Agaran ang naging pagsimangot nito habang kumakalas ito sa kayakap.

"What the heck is he doing here?" Nakaturo ito sa tumikhim, bagaman nakatingin ito kay Gabbie. Nakaupo ang taong tinutukoy nito sa salas.

"I'm sorry, Paolo. Napalitan akong ipagtapat sa kanya. Parati na kasi kaming nagaaway eh. Ayaw akong tigilan." Gabbie began to bite her nails.

"Bumigay ka naman? Hindi ba ang usapan natin, we'll leave our significant others out of our business?"

Ngumuso si Gabbie na tila nagmamaktol na bata. "I know...pero..." yumuko ito.

"Pero ano?"

"Pero makikipag-break daw s'ya sa akin kapag hindi ko pinatunayan sa kanya na kasama lang talaga sa operation natin ang pagpapanggap na mag-siyota tayo. Napanood n'ya kasi 'yung news."

"Nagpatakot ka naman?!"

"Hoy!" Biglang pagsingit ng lalaking tumikhim sa kanila kanina. Lumalapit na ito sa kanila.

Napangisi naman si Paolo nang makita n'yang isa itong payatot na lalaki na hahanggang balikat lang n'ya ang taas--hahanggang sentido naman ito ni Gabbie. Nakasalamin ito na animo'y geek na sungki ang ngipin. Maroon din itong braces.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

"Bakit mo tsinatsansingan ang siyota ko ha?! May payakap-yakap ka pa." Singhal nito kay Paolo na may halong panduduro. "May masama kang balak kay Gabbie 'no?! Hoy! For your information. Kahit na maghubad ka pa sa harapan n'ya, wala kang binatbat sa 'kin!" Inihaya nito ang mga payat nitong mga braso kay Paolo.

Napapailing naman si Paolo. Hindi talaga mapaniwalaan nito kung pa'nong ang maganda at intelehenteng partner n'yang abogado sa special task force ng bureau, ang s'ya pang patay na patay sa lalaking 'yun.

"O, kaya nga Gus, honey." Pag-alo ni Gabbie boyfriend n'yang tinawag nitong Gus. "'Wag ka na kasing magselos kay Paolo. Partners lang talaga kami. At saka...may girlfriend 'yan no."

"Baka may girlfriend nga siguro 'yan pero napakapangit naman!" Sagot ni Gus kay Gabbie. "Tingnan mo nga ang hitsura n'yan." Itinuturo nito si Paolo, "Mukhang sanggano! Wala sigurong pumapatol na maganda kaya gusto kang agawin sa 'kin!"

Napanganga si Paolo sa hindi mapaniwalaang taas ng self-confidence ng geek boyfriend ni Gabbie. Namumula naman sa hiya sa Gabbie. Nag-peace sign ito kay Paolo bago bumulong ng..."Sorry, partz." Bumaling ito sa nobyo. "Gus, honey. Ano ka ba naman. Maganda ang girlfriend n'yang si Paolo 'no. Mas maganda pa sa 'kin." Sumulyap ito kay Paolo at kumindat, "mas mukha nga 'yung modelo kaysa sa 'kin. Mas mahaba ang legs. Mas matangkad. Mas Sexy...kaya imposible talagang gugustuhin pa n'ya akong agawin sa 'yo. Partners lang talaga kami."

"O sige nga...anong pangalan?"

Napakagat muli si Gabbie sa kanyang mga kuko sa mga daliri. Nakatingin ito kay Paolo na tila humihingi ito ng permiso. Umiling si Paolo kaya nanlumo ito.

"Eh ano bang pakialam mo sa pangalan ng girlfriend ko?" kunot-noong wika ni Paolo kay Gus.

"Hahanapin ko sa Facebook!" Nagtungo ito sa salas, kinuha ang tablet na nakapatong sa ibabaw ng sofa at nag-umpisang magkutingting. "Una, titingnan ko kung maganda nga. Pangalawa, kailangan makakita ako ng selfie n'yo na sweet at naghahalikan...p'wede rin ang video ng s*x scandal n'yo. At pangatlo, kailangan sa 'yo ang naka-tag na pangalan sa 'In a Relationship with' status n'ya! Unless I see those things! Hinding-hindi ako maniniwala na ang isang pangit at walang ka-appeal-appeal na lalaking katulad mo'y may girlfriend na maganda!"

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon