Chapter 2

8.8K 464 57
                                    

"Hoy! Anong ginagawa mo r'yan!"

Napaiktad sa gulat si Helena. Napatayo ito at naitapon nang hindi oras ang kutsarang hawak n'ya. Nahuli s'ya ng kuya n'ya sa tagong bahagi ng kanilang likod-bahay.

"Paki mo!" Nakaismid na singhal ni Helena sa kapatid niyang si Jasper. Muli nitong dinampot ang kutsara at ipinagpatuloy ang pagdudukal.

"What the—" nang makita na ng kuya n'ya ang pagdudukal n'ya sa lupa gamit lang ang isang stainless na kutsara. "Ano bang ginagawa mo? Bakit kutsara ang ipinandudukal mo r'yan? May shovel naman tayo ah!"

Tiningala ito saglit ni Helena, "Wala kang paki!"

Humalakhak si Jasper. Naaaliw sa panggigigil ni Helena sa pagdukal ng lupa. "Thank you po LORD!" Taas kamay na wika ni Jasper habang nakatingala, "Para sa wirdo kong kapatid na tamad maligo. P'wede po bang lubos-lubusin n'yo na? Magpaulan na din po sana kayo ng katinuan para sa kanya! Malapit na po ang birthday n'ya, iregalo n'yo na po please! Please!"

Nainis si Helena. Dumakot ito ng lupa at ibinato ito sa bandang binti ni Jasper. "Lumayas ka sabi! Kung ayaw mong isungalngal ko 'to sa bibig mo!" Inihaya nito ang kaliwang kamay na may isang dakot ng lupa.

Tinawanan lang ito ng nakatatandang kapatid. "Ano ba kasing ginagawa mo? Ano ba 'yang dinudukal mo?"

"Libingan..." mahinang sambit ni Helena.

Nangunot si Jasper, "Libingan ng ano?"

"Libingan mo kung hindi mo pa rin ako lulubayan!" Muling singhal ni Helena, bago nito muling binato ng lupa ang mga binti ni Jasper.

Napatalon si Jasper. Humahalakhak. "Isusumbong kita kay Mommy. Ikaw pala ang nagnanakaw ng mga kutsara sa kusina!"

"Eh di magsumbong ka! Mama's boy!" Muli itong dumakot ng lupa at ibinato ito sa gawi ni Jasper.

Nakailag si Jasper. Lalo itong humalakhak at inasar ang nakababatang kapatid. "Anong Mama's boy?! Nakita mo na ba akong maging sunod-sunuran kay Mommy? Sutil to-its!" Ipinagpahili nito ang malalaki n'yang braso. "Sa g'wapo kong 'to, Mama's boy? Sinong maniniwala sa 'yo?"

"Hambog!"

"Thank you!" Muli itong humalakhak nang malakas.

"Kung maka-asta ka akala mo kung sino kang astig...yuck pero nagbebente dos na virgin pa rin ha-haaa-haaa!"

"Paano ka naman nakasisigurong virgin pa 'ko?" nakabungisngis na reaksyon ni Jasper.

Inilapag muna ni Helena ang kutsara, nagtanggal ng gloves bago ito tumayo para harapin ang kapatid, "'Yang pagmumukha mo, mukhang tigang!" Humagalpak ng tawa si Helena, "parang lupang hindi nadidiligan."

"Bakit ikaw?" nakanguso si Jasper.

"O, ano ako?"

"Mukha ka ring tigang! Parang bulaklak na hindi pa man din bumubuka...tuyo na!" Kasabay ng malakas na pagtawa.

"Tseh!" Itinulak nito ang kapatid. "Umalis ka na nga kasi. Leave me alone!"

"Ayoko nga. Dito lang ako." Naghalukipkip ito; tila hindi natitinag kahit anong gawing pagtulak dito ni Helena.

"Hmp." Helena gave up. Umupo na lang ulit ito at nagsuot ng gloves. "Kaya ka nasasapok ni Jordanna, buwisit ka talaga. Sana next time, bakliin na lang n'ya 'yang leeg mo para solong anak na lang ako, buwisit!"

Sumimangot si Jasper, "paki ko sa pangit Jordanna na 'yon! 'Wag mo ngang mabanggit-banggit ang pangalang 'yon! Baka s'ya pa ang tamaan sa 'kin."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

Tiningala ni Helena ang kapatid at nginisian ito. Alam kasi nitong ito ang weak topic ng kapatid. Si Jordanna. Ang isa sa fraternal twins ng family friend nila. Di hamak na mas bata ito sa kanila, pero malaking bulas. Maamo ang mukha pero palaban. Ito ang laging nakakapagpagalit at pisikalang nakakaaway ni Jasper kapag nagkaka-krus ang mga ito ng landas. Jasper and Jordanna hated each other so much na may pagkakataon na nakakasakitan na ito to the point na pareho na itong nadala sa Ospital.

"Kung pangit 'yon, wala nang maganda!" Bulyaw ni Helena kay Jasper, "ang sabihin mo, kalalaki mong tao tapos ang laki-laki pa ng katawan mo, eh natatalo ka pa n'ya! Kamusta naman an black-eye mo last year?" Humagikhik si Helena. Ipinagpatuloy nito ang pagdudukal.

"Pinagbigyan ko lang 'yung pangit na 'yon alang-alang kina Tito Jon 'no." Pagmamaktol ni Jasper. "Dahil kung hindi...baka hindi na s'ya sikatan ng araw!"

"Napakahambog mo talaga, alam mo 'yun?" dirediretso rin lang si Helena sa ginagawa nito.

Sandaling katahimikan.

"Para saan nga kasi 'yang hinuhukay mo? Bakit ba kutsara ang gamit mo?" pagbasag ni Jasper sa katahimikan.

"Libingan nga."

"Libingan? Libingan nga ng ano? Wala ka naman pet 'di ba?"

"Libingan ni Paolo." Ngumisi si Helena kay Jasper.

Napanganga si Jasper, "what?!"

"Sssshhh." Tumayo si Helena at nilapitan ang kapatid. Napapaatras naman si Jasper sa bawat pag-abante nito."Sikreto lang natin 'to kuya ha?"

Nangunot si Jasper at kiniskis ang braso sa pangingilabot, "a-anong sikreto?"

"Ililibing ko rito si Paolo." Sabay turo sa isang sakong itim na puno ng laman. "Tsinop-chop ko na nga ang katawan n'ya para hindi masyadong mahaba ang huhukayin ko..."

Nilapitan ni Jasper ang sakong nakasandal sa pader ng likod-bahay nila. Hahawakan sana nito ito nang...

"H'wag mong hahawakan 'yan, kuya!" Napaiktad si Jasper. "Kung ayaw mong idamay kita sa krimen ko."

"What the f*ck is wrong with you?!" Bakas sa mukha ni Jasper ang pagkabahala.

"Bakit kuya? Isusuplong mo ba ako sa mga pulis? Sige...isuplong mo ako, para madamay ka sa iskandalo at ang buong pamilya natin!"

***

Nananakit na ang tiyan ni Helena sa katatawa nang nakabalik na ito sa k'warto n'ya. She thinks Jasper's reaction was priceless. Paniwalang-paniwala kasi ito na katawan nga ni Paolo ang nasa sakong itim. Helena intends to leave everything as it is nang biglang tinawag sila ng kanilang mga magulang sa salas para sa isang seryosong pag-uusap.

"Hindi pa raw umuuwi si Paolo simula pa kagabi." Balita ng kanilang amang si Jason. "Nakikiusap ang Tito Art n'yo na tawagan agad natin ang kanyang numero kung sakaling magawi rito si Paolo..."

Sumulyap-sulyap si Jasper kay Helena; si Helena nama'y namumutla na. Napansin naman ni Helga ang pagsusulyapan ng kanyang mga anak kaya pinisil nito ang nanlalamig na kamay ni Helena.

"Mag-usap tayo mamaya." Bulong ni Helga kay Helena.

Napapalunok naman si Jasper sa nasasaksihan nito sa mag-ina.

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon