Chapter 3.

186 5 2
                                    

Chapter 3.



Sapphire Denise Scott POV 



Buti hindi pa ko natatapilok sa sobrang bilis ng lakad ko, nakalimutan ko kasing may next class pa ko yan tuloy male-late pa ako. Hawak-hawak ko pa rin ang ipad ni kiefer mamaya ko na 'to isusuli. Kailangan nila ng quality time ni bess.



Napahinto naman ako bigla sa paglalakad e pano naman kasi may greek god na pasalubong sa'kin, literal na napanganga talaga ako. Di pa ba ako nasanay sa angkin na kagwapuhan ni kurt. Hayy.



Napalunok naman ako ng laway ng huminto siya sa tapat ko, "It's you again the girl in the cafeteria, do i really look like a monster para mapanganga ka?"



Ngayon ko lang sya ulit na matitigan ng malapitan, and i feel amazing.  



"H-huh?" Oh my god! Here i go again, nauutal magsalita pag kaharap siya.



"Nevermind. Diba kaklase kita sa next subject or i must say kaklase kita sa halos lahat ng subjects ko?" Hindi naman pala siya masungit katulad ng inaakala ko.



Tumango na lang ako. Bakit ba napipipi ako ngayon?! Kainis naman. Gusto ko siyang kausapin pero talagang umuurong ang dila ko e.



"Okey see you in the class, i'll be going." Nauna na siyang lumakad, bakit diyan siya dadaan? Diba dito 'yung way ng room namin.



"Kurt! Wait! diba dito 'yung way ng room natin." Turo ko sa kabilang side.



"Ouch." Pinitik ba naman ako sa noo. 



"Ms. scott are you that forgetful? Psh, can you see that room, that's our room." Then nauna na siya ulit maglakad, pahiya ako dun ah, but still he touched me. Pinitik nya ko sa noo.



Nakangiti naman akong pumasok sa room, binati ko lahat ng madadaanan ko. I'm so happy kasi kinausap ako ni kurt sana tuloy-tuloy na niya akong kausapin. Gusto ko sanang titigan na lang si kurt buong araw kaso baka wala naman akong maisagot sa test bukas, kaya time-out muna sa pagtitig kay kurt magco-concentrate muna ko sa lesson ngayon. Okey.



Late nang pumasok si rence sa klase, araw-araw na kasi ang practice nila para sa nalalapit na championship. Inasar ko lang siya ayun medyo badtrip, di kasi siya makakasama sa mall mamaya. Kaming triplets lang tuloy ang magmo-mall siya nasa gymnasium may practice daw ulit, hirap talaga pag ikaw ang team captain nasa'yo lahat ng responsibilidad.

Unheard Feelings. { Under Editing } Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon