Chapter 18
Sapphire Denise Scott POV
"Good morning students!" Agad na bati sa'min ni prof. stanley pagkapasok niya ng room.
"Good morning prof." We all said in unison.
"Attention People! Guys, we're having Mr. And Ms. BSBA next week kaya kung sino ang may gusto magpa-register na lang, hanapin niyo si ms. katarina fuentes."
Dahil busy ako sa pagtitig kay kurt hindi ko na rin naiintindihan kung anong sinasabi ni prof.stanley.
"SI SAPPHIRE PROF!!" Napatayo naman ako bigla.
"ANO YUN!?"
Sabay-sabay naman silang nagtawanan sa inasta ko, ano bang problema nila. Si kurt pasimpleng natatawa at etong katabi kong si rence halos mamatay na dahil sa kakatawa. Ano bang problema nila?
"Sapphire ikaw yung gustong maging representative ng mga classmates natin." Sabi 'nung isa kong classmate, siya lang ata matino ngayon sa klase.
"A-ano ako?! Pero bakit ako? tsaka ano ba 'yan?"
"Choosy ka pa, tsaka Ms.BSBA yung tinutukoy ni prof." Bwisit talaga 'to si rence kahit kailan.
Inirapan ko lang si rence at tumingin kay prof.stanley.
"Prof stanley marami naman po diyang iba si cathy po pwede po siya."
"Sapphire ayoko, di ako bagay 'dun eh tsaka ikaw talaga yung bagay 'dun promise." Pagtanggi niya.
Nilibot ko naman yung mga mata ko sa loob ng room "Ikaw olivia! pwede ka 'dun."
Balak ko nga sana ituro na lang lahat ng babae dito ngayon sa room, ayoko talaga eh.
"Sorry sapphire, busy kasi ako ngayon sa cheerleading alam mo na malapit na ang championship sa basketball." Nanlumo naman ako. Paano na 'to?
Out of the blue bigla na lang tumibok yung puso ko ng napakabilis. "Ikaw na lang kasi." Ako na lang daw, grabe 'yun lang 'yung sinabi niya pero ang lakas na ng tama sa'kin. Nag 'ayieee' naman 'yung mga classmate namin.
Hinarap ko ulit si prof.stanley. "Sige prof. ako na lang, sino po bang hahanapin?"
"Si Mr.Schneider lang pala makapagpapayag sa'yo eh." Sabi pa ni prof. stanley wala eh. Mahal ko na ang nagsabi, kaya go na lang ako.
"Hindi sir ah, wala po kasing gustong maging representative kaya ako na lang hehe." Pagtanggi ko pero si kurt naman talaga ang dahilan. Ayoko lang talagang ma-issue kaming dalawa, ayokong magalit siya sa'kin ng dahil 'dun onti onti ko na kasing naibabalik ang dati naming samahan.
"Si ms.katarina fuentes ang hahanapin for registration."
"Sige po." Tapos umupo na ko, napasulyap naman ako kay kurt well ano pa bang iba nakatingin na naman siya sa bintana.
"Ngayon sino naman ang gustong maging representative para sa Mr.BSBA?"
May Mr.BSBA pa pala hindi kasi ako nakinig sana si kurt! Para na kong nagdadasal dito, na sana si kurt ang maging representative.
"Mr. Schneider!"
"Mr. Magdayo prof!!"
Lumalakas na ang tilian ng mga babae dito sa room, at syempre kasama na ko sa isa 'dun. Sana si kurt para maging worth it at maging masaya naman ang pagsali ko sa competition na 'to.
Nagpalabas naman si prof. ng 1/8 na papel para sa botohan. Syempre ang hirap pumili sa dalawa yung bestfriend ko ba o 'yung taong mahal ko, hinati ko ang isang 1/4 sa dalawa, sa isa sinulat ko ang pangalan ni rence sa isa naman ang pangalan ni kurt. Hindi naman malalaman na dalawa ang binoto ko e.

BINABASA MO ANG
Unheard Feelings. { Under Editing }
RomanceThe most painful thing is losing yourself in the process of loving someone too much, and forgetting that you are special too. ~ Unheard Feelings <//3 ~ Written By: -NeverEnding- ★ ツ ◕‿◕ ◕‿◕ Copyright © 2015. All rights reserved 2015. STEALING IS...