Chapter 14.

98 0 0
                                    

Chapter 14.



 Sapphire Denise Scott POV 



Mahirap pala mag-ayos ng isang relasyon 'yung tipong ikaw ang tagapayo sa kanilang dalawa kung anong dapat nilang gawin, minsan naiisip ko tama nga sila kung sino pa 'yung single at walang karelasyon sila pa 'yung magaling mag-advice pagdating sa 'Pag-ibig'.



One week din silang nagka-tampuhan at ako lang naman ang naperwisyo nilang dalawa, hindi ko tuloy laging nakikita si kurt pati nakakasama diba nga dapat lagi akong nasa tabi ni kurt miss na miss ko na nga 'yun, eh siya kaya miss niya na rin kaya ako? Asa ka pa sapphire! Kasi naman 'tong si kiefer sobrang valid ng dahilan kung bakit di niya nasagot mga tawag ni bess at ang pagsisinungaling niya, ayaw pa naman ni bess ng nagsisinungaling masyado kasing honest 'yun eh. 



Eh kasi naman nagbar-hopping pala ang loko kasama 'yung ibang teammate niya sa basketball, kaya lang naman hindi niya sinabi ang totoo kay bess kasi nga baka hindi daw siya payagan nito totoo naman eh, hindi talaga siya papayagan ni jaizel 'yun pa masyadong mahigpit pagdating sa pagba-bar kesyo baka makakita daw ng bago 'dun si kiefer at iwanan siya ang negative niya ba? mahal na mahal kaya siya ni kiefer. Pero dahil sa mga napakagandang payo ko nagkabati din silang dalawa at salamat sa Diyos, dahil sa wakas makikita at makakasama ko na naman si kurt tapos na ang problema ng dalawa kong kaibigan.



Maaga akong pumasok sa university nagbabakasaling makita ko siya. Sana talaga makita ko siya.



Imbis na pumunta ako sa building ng business ad. naisipan kong pumunta na lang sa rooftop sigurado kasi akong wala pa 'yun sa room baka nasa rooftop sana nandun siya, nag-elevator na lang ako para looking fresh and beautiful pag nakita niya ko.



*Ting* 



Naglakad na ko palabas ng elevator at sa hindi inaasahan napahinto ako bigla nagbalik kasi ulit 'yung mga memories 'yung scene na sinabi niyang kailanman hindi niya ko magugustuhan sumasakit na naman ang puso ko parang naninikip. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad i need to see him, makita ko lang siya okey na ko, buo na ang araw ko.



Automatic na napangiti ako nang makita ko ang very masculine niyang likod.



Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi niya ako napansin, nakatingin lang siya sa malayo sino o ano kayang iniisip niya?



Para akong tanga dito na nakatayo at pinagmamasdan lang ang gwapo niyang likod. Hindi mawala ang mga ngiti ko right at this moment parang gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pwede. Nasanay na kong pagmasdan lang siya. 



Napaayos naman ako ng tayo ng bigla siyang humarap sa'kin, halata mong gulat siya pero napalitan agad ng pagkakunot ng noo niya.

Unheard Feelings. { Under Editing } Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon