Chapter 15.
John Terrence Magdayo POV
Arrrrggggghhhhh!! Nakakainis. Bakit mas pinili niya 'yung mokong na 'yun kesa sa'min na mga kaibigan niya!? Talaga bang ganun na ka importante si jazen para sa kanya. Oo nga pala, nakalimutan ko mahal na mahal niya nga pala ito. Inaya kasi namin siya nila kiefer at jaizel na manonood kami nang sine afterclass kaso tumanggi siya, pinilit namin siya na sumama na lang kasi wala naman siyang gagawin sa bahay nila. Kakain sa labas sila tito at tita kaya mamayang pag-uwi niya wala siyang makakasama sa bahay nila. Akala ko tinatamad lang talaga siya pero nainis ako bigla sa dinahilan niya kung bakit ayaw niya sumama sa'min. May practice daw kasi si jazen afterclass manonood daw siya nang practice at sasabayan niya na rin daw ito umuwi, wala bang paa 'yung mokong na 'yun at kailangan pa siyang ihatid ni sapphire, nakakainis!
Pinilit ko siyang sumama pero ayaw niya talaga, wala na kaming nagawa.
Hindi agad kami nakaalis nang university afterclass kasi may inutos pa si prof. stanley sa'kin kaya sinabi ko kila kiefer at jaizel na mauna na lang at susunod na lang ako sa kanila, tumagal pa ko nang isang oras sa university kaya naisipan kong wag na lang sumunod kila kiefer sigurado kasi akong nagsisimula na ang movie na papanoorin sana namin.
Tutal hindi na ko makakasunod kila kiefer naisipan ko na lang na pumunta nang fields. Gusto kong siguraduhin na maayos si sapphire bago ako umuwi. Pero pagdating ko 'dun isang soccer player na lang ang nandoon.
"Tapos na ang practice?"
"Yeah. actually kakatapos lang."
"Sige salamat."
Hindi talaga mapanatag ang loob ko, parang hindi ko kayang si sapphire lang at si jazen ang magkasama gusto kong bantayan si sapphire sa lahat nang ginagawa niya, pero parang may pumipigil sa'kin. Uuwi na lang ako at magpapahinga baka sakaling mawala ang mga pangamba ko.
Sapphire Denise Scott POV
Niyayaya ako nila kiefer, bess at rence na magsine daw kami afterclass kaso tumanggi ako sakto kasing may practice sila kurt afterclass kaya hindi ako pwedeng sumama, tsaka gusto kong makita palagi si kurt diba gusto kong i bring back ang closeness namin dati, kaya dapat lagi akong nasa tabi niya. Ganun pa rin siya masakit pa rin magsalita pero tinitiis ko na lang for the sake of friendship?
Nandito na kami sa parking lot natapos na rin ang practice nila kurt. Kinukulit ko siyang ako na ang maghahatid sa kanya pero ayaw niya, may sarili naman daw siyang kotse.
BINABASA MO ANG
Unheard Feelings. { Under Editing }
RomanceThe most painful thing is losing yourself in the process of loving someone too much, and forgetting that you are special too. ~ Unheard Feelings <//3 ~ Written By: -NeverEnding- ★ ツ ◕‿◕ ◕‿◕ Copyright © 2015. All rights reserved 2015. STEALING IS...