Chapter 19 { Oppa's Back Part 1 }

72 2 5
                                    

Chapter 19  { Oppa's Back Part 1 }

John Terrence Magdayo POV

Anong oras na ba? Nakalimutan niya bang may taong naghihintay sa kanya?  Sana naman naisip niyang andito ako naghihintay sa kanya. Papasok na sana ako sa loob ng kotse ng makita ko si sapphire na tila hinahanap ako. 

Pero hindi pala siya nag-iisa kasunod niya ang mokong na si jazen pati ba naman dito!? 

"Hey wait up!" 

"...Kurt?"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi lumapit sa kanila, fvck ang lapit nila sa isa't-isa! 

"SAPPHIRE!" Hinila ko mula sa kanya si sapphire. 

"Anong ginagawa mo sa kanya huh?!" Ewan ko kung bakit ang tindi ng galit ko sa kanya, siguro kasi hindi siya marunong magpahalaga ng taong minamahal siya ng sobra. 

"Wala akong ginagawa sa kanya, huwag ka ngang paranoid." Aba't, susugurin ko na sana siya ng pigilan ako sa braso ni sapphire.

"Tama na kasi rence, wala naman talaga siyang ginagawa." 

"May nakalimutan lang akong itanong sa kanya kaya hinabol ko siya," 

"Oo tama, 'yun nga! Kaya rence cool ka lang." 

Okey ako na naman ang paranoid, ako na naman! Bwiset! 

"Halika uwi na tayo, kanina pa ko naghihintay." Pumasok na ko sa loob ng kotse, nakikita ko pa rin silang dalawa sa labas ng kotse pagkaraan ng ilang minuto pumasok na siya sa kotse. 

"Sorry natagalan ako,"

"Bakit ka ba nagso sorry wala ka namang kasalanan ano palang pinag usapan niyo ni jazen?"

"I apologized for what happen, you almost punch him rence." Psh! Pinagtatanggol niya na naman. Wala bang bago? Sana sa susunod ako naman ang ipagtanggol niya.

Hindi na ko nagsalita at pinaandar na lang ang sasakyan. Ang tanging tumatakbo sa isipan ko ngayon nalilito na ko sa nararamdaman ko. 

Kinabukasan . .

Jazen Kurt Schneider POV

"Guys! 10 mins. break!" 

"Yowwwwn! kala namin wala ka ng balak eh, uhaw na uhaw na kami kj." Napangisi na lang ako kay wesley, pumunta naman silang apat sa kabilang bleachers, ano na naman kayang gagawin ng mga 'yon? Asan na ba yung towel ko? Dito ko lang 'yun nilapag ah.

 Napaangat naman ako ng ulo ng may mag-abot sa'kin ng towel.

Unheard Feelings. { Under Editing } Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon