Chapter 10.

91 2 0
                                    

Chapter 10.



Sapphire Denise Scott POV



Nakangiti akong pumasok ng university pinipilit kong maging okey, ayoko naman kasing makita ako ng ibang tao na malungkot lalo na nila jaizel. 



"Bess! Bess! ano okey ka lang ba? Sinabi na sakin ni terrence yung nangyari, ay teka nabusted ka ba talaga? parang hindi naman." Nagulat naman ako ng biglang pagsulpot ni jaizel sa harap ko. 



"Ah. Ang daldal talaga 'nun ni rence, hindi naman sa nabusted ako sadyang..."



"Sadyang ano bess? sus nabusted ka na, just accept it."



"Pinapaalala mo pa e, ang sakit na nga e." 



"Sorry naman po, hindi ka ba niya naaalala?" 



"Ganun na nga, iiyak ba ko kahapon kung naaalala na niya ko....ang sakit pala bess...sobra."



"Ganun talaga sa love part ang masaktan." 



"Pero alam mo may narealize ako after the confession."



"What is it?" Then she crossed her arms. 



"Maybe i was too fast, siguro kailangan ng panahon bago niya ko maalala ulit." 



"Mabilis ka pa niyan ah, jusko naman sapphire denise lee scott ilang taon ka na bang naghihintay? 7 years na ba? oo 7 years nga. Ano another 7 years ulit bago ka niya maalala?" 



"Kasi nga ngayon palang ako officially nagpakilala sa kanya kaya siguro ganun ang reaksyon niya try to understand his situation naguguluhan siya sa mga nangyayari." 



"Okey i will try, pero kasi bess mahirap yan e, mukhang may amnesia yung tao hindi mo alam kung maaalala ka pa niya o hindi." 



"May amnesia man siya o nakalimutan na talaga niya ko wala na kong pake dun. Okey naman na sakin kahit hindi ko na maibalik yung childhood memories namin basta maging close ulit kami ayos na yun, makausap ko sya matingnan ko siya ng malapitan, mahawakan at mayakap ko siya kuntento na ko dun, kung nahihirapan siya dahil sa pagpapaalala ko sa kanya ng childhood memories namin hindi na, hindi ko na babanggitin yun kailanman sa kanya." 

Unheard Feelings. { Under Editing } Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon