Chapter 11.

27 0 0
                                    

Chapter 11.



Jazen Kurt Schneider POV




She's really that desperate wala na ba talaga siyang kahihiyan sa sarili? Sinaktan ko na siya lahat-lahat pero ayun siya, habol ng habol sa'kin ayoko sa mga babaeng katulad niya masokista! Alam kong sa bawat na masasakit na salitang binibitawan ko nasasaktan ko na siya pero wala akong magawa kailangan kong gawin 'yun para lumayo na siya sa'kin, na ma realize nyang wala na talagang pag-asang maalala ko pa siya nilimot ko na ang nakaraan ko at wala na kong balak balikan pa 'yun. Parte na lang siya nang nakaraan ko at dapat niyang tanggapin 'yun. Bakit kasi may mga taong tanga sa pag-ibig? Nakakainis.




Pagkaalis ko sa cafeteria dumiretso na ako sa fields ayoko muna pumasok sa next class mamaya makita ko pa siya, bakit kasi ako pa ang minahal niya marami naman diyang iba. At wala talaga akong maalala na childhood friends kami dati never in my entire life na nagkaroon ako ng Girl na friend, alam ko lang ang mga childhood friends ko ay sila Kysler, fred, henry, wesley at vince, no one else sila lang ang mga kaibigan ko. Wala talaga akong maalala sa nakaraan ko at sabi ko nga wala na kong balak alalahanin pa 'yun.




Napaangat naman ako ng ulo dahil may biglang nagsalita. 



"Hindi ka pumasok sa class mo?"



"Obvious ba?" Pamimilosopo ko sa kanya, minsan nakakatanga din 'yung mga tanong nitong si vince e, akala ko pa naman siya na yung pinakamatino at pinakamatalino sa'ming magkakaibigan.



"Hahaha! Bad mood?" Natatawa niyang sabi what's so funny? ang weird talaga nitong si vince, actually siya ang pinakatahimik at seryoso sa'ming apat .



"Tsk! Why are you here? Don't you have classes?" Tiningnan niya lang ako saglit sabay upo sa tabi ko, i want to be alone.



"I saw what happened earlier." Napatingin naman ako sa kanya, bakit hindi ko siya napansin sa cafeteria? 



"Mali ang ginawa mo." Sa puntong 'to parehas na kaming napatitig sa isa't-isa. He looks serious. Lagi naman siyang seryoso pero mas seryoso nga lang ngayon.



"What's wrong with that? pinapamukha ko lang sa kanya na ayaw ko sa mga katulad niyang babae, ayoko lang siyang paasahin dude, mas lalo siyang masasaktan pag ganun kaya habang maaga pa alam niya na kung ano siya sa'kin."



"Yun lang ba jazen? Paano ka niyan sasaya kung lahat ng magkakagusto sa'yo tinataboy mo make yourself happy, move on..." Tinapik niya ko sa balikat at tumayo na siya.

Unheard Feelings. { Under Editing } Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon