Chapter 7.

81 3 0
                                    

Chapter 7.



Sapphire Denise Scott POV



Ilang oras na ba kong nakatingin sa kisame?! Hanggang ngayon di pa rin ako makamove-on sa nangyari kahapon. Talaga bang ayaw niya sa cookies o ayaw niya lang talaga sa'kin? Pang-ilang buntong hininga ko na ba 'to? Favorite niya naman ang cookies dati ah how come na hindi na ngayon?! Ano ba ang dapat kong gawin para magustuhan niya ko? Ang daming tanong sa isipan ko na hanggang ngayon di ko pa rin alam ang sagot. And it's driving me crazy aish!



*Tok* *Tok*



"Come in.." Umupo na ko galing sa pagkakahiga.



Pumasok naman si umma ng may dalang tray. Tamang-tama gutom na ko.



"Good morning princess ko, breakfast in bed.."



"Morning umma! Wow ang sarap naman nito, thank you! You're the best umma ever." Sabay halik ko sa pisngi niya.



"Asus! Nambola pa. Pumasok ako kanina dito tinatawag kita pero sa sobrang lalim ng iniisip mo hindi mo ko pinansin, kaya ginawan na lang kita ng breakfast para hindi ka na bumaba." Ah, ang sweet talaga ni umma.



"Oo nga umma e, umma can i ask you?" Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.



"Pwede naman pero dapat kainin mo muna yang ginawa kong breakfast para sa'yo, then you're free to ask me."



"Ay oo nga pala hehe." Mabilis ko namang kinain yung breakfast na hinanda ni umma para sakin. Nangangati na rin kasi ang dila kong magtanong.



"I'm done!" 



"Bilis naman."



"Ang sarap kasi ng luto mo umma e." Kinuha naman sakin ni umma yung tray at inilapag niya sa side table ng kama ko.



"Ano bang itatanong mo princess ko?" Humiga naman ako sa hita niya, then she caress my hair.



Bumuntong hininga muna ko ng malalim bago sumagot.



"Umma, ano bang mga katangian ang gusto ng isang lalake sa babae? I badly want to know umma. Please!!" Hinawakan ko ang dalawang kamay niya sabay puppy eyes. I know she can't resist me.

Unheard Feelings. { Under Editing } Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon