Chapter 5.

172 4 6
                                    

Chapter 5.



Sapphire Denise Scott POV



Automatic na napahawak ako sa dibdib ko nang makalabas ako ng field grabe ang kaba ko dun! Nakita kaya niya ko alangan sapphire tumingin kaya siya sa'yo diba! Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Napaisip naman ako bakit ba ako nagtatago kay kurt? Bakit ba ang hirap para sa'kin na sabihing 'kurt ako nga pala yung childhood friend na iniwan mo 7 years ago' sana ganun na lang kadali pero hindi e, duwag kasi ako. Di ko maamin sa kanya na mahal ko siya at hanggang ngayon naaalala ko pa rin kung ano kami dati at kung paano nagsimula yun pero siya hindi na yata kasi hindi niya man lang ako nakilala nung niyakap ko sya, nakalimutan na ba talaga niya ko? Kasi ako hinding-hindi ko siya kayang kalimutan. Napagisip-isip kong baka nga nagbago na talaga ng sobra ang itsura at kilos ko kaya hindi na ko maalala ni kurt siguro ganun nga. May namuong pag-asa sa puso ko sa mga oras na to, walang magagawa kung tutunganga lang ako at magi-stalk sa kanya buong maghapon kailangan ko nang kumilos at umpisahan ang dapat na umpisahan ko na dati pa. Dalawang taon ang sinayang ko dahil sa kaduwagan ko. Edi dapat ngayon magkaibigan na kami ulit kung nilapitan ko lang sana sya ulit at ipinakilala ulit ang sarili ko baka sariling matandaan nya ko.



Una kailangan ko nang umamin sa kanya na mahal ko siya at ako ang childhood friend niya na iniwan niya 7 years ago.



*Booooooooogsh*



Napaupo ako sa lupa sa sobrang lakas ng banggaan namin. Ang sakit ng butt ko, aray.



"Sorry miss." Tinulungan niya naman akong tumayo.



"Sorry din, di kasi ako tumitingin sa daanan e." Sabi ko.



"Ms. sapphire ikaw pala yan!" Nginitian ko naman siya.



"Ah sige mauna na ko, pasensya na talaga." Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ko sa braso.



"Usap muna tayo ms. sapphire ang ganda mo pala talaga, alam mo ba i asked my parents to transfer here just to meet you personally, i'm a big fan of yours and i really admire you, well destiny nga naman i don't even imagine myself bumping you this is unexpected, super unexpected." Bago pa nya ko mahawakan sa kamay inalis ko na ito. Gusto ko kasing si kurt ang first na maka holding hands ko. Mukhang di nya napansin na iniwas ko ang kamay ko.



"I am surprise may fan pala ako haha, well great to see you also, you will enjoy staying here and if there's any question or problem wag kang mahiyang magtanong tanong mababait ang mga students dito." Sabay ngiti ko sa kanya.



"Well i gotta go, may gagawin pa kasi ako e." Actually wala akong gagawin as in wala. Pero kasi baka matapos na sila kurt mag practice makita pa ko dito. Tumalikod na ko sa kanya at aakmang maglalakad na palayo sa kanya ng hawakan nya ko sa siko.

Unheard Feelings. { Under Editing } Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon