Chapter 4.

123 5 4
                                    

Chapter 4.



Sapphire Denise Scott POV



"....Kurt." I said in my most lower voice.



Bago ako makalapit sa field ay nakita kong may kasamang ibang babae si kurt biglang kumirot ang puso ko ewan ko ba kakaiba yung nararamdaman ko ngayon, ito na ba yung sign na nasasaktan na ko?



Nakamasid lang ako sa malayo tahimik na nasasaktan. May inaabot yung babae kay kurt isang red box nacu-curious tuloy ako kung anong laman 'nun? Pero si kurt nanatiling nakatingin lang sa red box bakit ayaw niya kunin? Napatakip ako sa bibig ko nang ibato yun bigla ni kurt sa malayo napatingin agad ako 'dun sa babae nagsimula na kasi siyang umiyak.



Minuto siguro bago magsalita si kurt gustuhin ko man lumapit sa kanila hindi pwede, ano kayang sinasabi niya 'dun sa babae? Napasunod na lang ang tingin ko sa babae habang patakbong umalis ng field. Bumalik naman ang tingin ko kay kurt na nagpatuloy lang sa paglalaro ng soccer na parang walang nangyari. 



Habang naglalaro si kurt ng soccer sinamantala kong umupo sa pinakatagong bleachers yung sure akong hindi niya makikita. Naalala ko ulit yung babae kanina, naaawa ako sa kanya.



Napalingon naman ako sa lalakeng biglang sumigaw.



"JAZEN!" Is that fred?



Sikat ang Soccer Team sa buong University at alam niyo ba kung sino ang 'Soccer Team Captain' walang iba kundi ang mahal kong si 'Jazen Kurt Schneider'. Sikat sila hindi lang sa pagiging gwapo, sikat din sila kasi lagi nilang binibigyan ng honor ang university namin lagi silang panalo sa mga championship, that's why i know them well. Mas nakikilala ang University namin dahil sa mga sports and everythings. Kaya marami rin ang nage-enroll dito kahit mahal ang tuition fee.



Kung magaling si rence sa basketball si kurt naman magaling siya pagdating sa soccer. I remember 'nung mga bata pa kami lagi siyang may dalang bola at sinisipa-sipa niya yun soccer pala yung ginagawa niya, bata pa lang kami soccer na ang hilig niyang laro at hindi na ako nagtaka kung yan ang sport niya ngayon, ako wala akong hilig sa sports. Mahina ako pagdating diyan hangga't maaari nga ayokong uma attend ng P.E .



"Yo!" -Kysler



"Hey!" -Henry



"Aloha!" -Wesley



*Walang reaksyon* -Vincent

Unheard Feelings. { Under Editing } Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon