Chapter 6.

90 3 2
                                    

Chapter 6.



John Terrence Magdayo POV



John terrence magdayo is my true name, 19 years old and taking up BSBA major in marketing in SU, basketball team captain ng Blue Lions at ang dakilang bestfriend ni sapphire.



Magkakaibigan na kaming apat ni sapphire, jaizel at kiefer since we were kids, close friends ang mga pamilya namin at sa iisang village lang kami nakatira kaya sila ang lagi kong kalaro. Pero ang pinaka naging close ko talaga ay si sapphire siya yung tipo nang kaibigan na laging nandiyan para sa'yo, hindi lang siya bestfriend kundi parang kapatid ko na rin. Parehas kami ng gusto i remember one time limited edition ng isang laruan pinag-agawan pa namin yun isa na lang kasi, ayaw niya magpatalo sakin, e remote control car kaya yun panlalakeng laruan hindi pambabae. Ewan ko nga kung anong pumasok sa isip nya kung bakit pinili nya ang remote control car kesa sa barbie doll na hilig nya. Sa huli si sapphire ang nagwagi sa remote control car umiyak ba naman sa harap ko.



Tuwang-tuwa siya ng pinaubaya ko sa kanya ang remote control car, masaya akong nakikitang nakangiti at masaya si sapphire, pero higit sa lahat ayoko siyang nakikitang malungkot at umiiyak dahil lang sa walang kwentang bagay o tao. Kasi mas nasasaktan ako pag nasa ganun siyang kalagayan.



Kaya nga sa tuwing binabanggit niya si jazen naiirita ako bigla o minsan iniiba ko na lang ang topic kasi alam ko namang masasaktan lang siya sa mokong na yun kahit alam kong hindi pa nagko-confess si sapphire sa kanya nararamdaman kong sasaktan lang siya nun masyadong mabait si sapphire para sa kanya. Almost perfect na si sapphire siya yung tipo ng babae na kapag nakilala mo mahirap ng pakawalan, ayoko lang sa huli ang bestfriend ko ang iiyak at masasaktan.



Ewan ko nga ba diyan sa jazen na yan ba't hindi niya maalala si sapphire e childhood friend niya yun! Recently ko lang nalaman na si jazen pala ang hinahanap ni sapphire na childhood friend niya daw. Sapphire never told us na meron pa siyang ibang kaibigan bukod sa'min kaya pala minsan pag inaaya namin siya na maglaro tumatanggi siya kasi dun siya nakikipaglaro sa mokong na yun. Throwback tuloy ako ng mga childhood memories namin.



Di ko alam kung nagpapanggap lang siyang walang maalala tungkol sa childhood days niya o sadyang nagka-amnesia lang ang mokong. Mortal kaming magkaribal ni jazen pagdating sa sports, oo nga't magkaiba ang sports namin basketball ako at soccer siya nag-aaway kami dahil sa popularity at honor na binibigay namin sa university, tuwing championship ginagalingan talaga ng team ko ang laro para mapag-usapan. Magka-kompetisyon kami ni jazen sa lahat ng bagay.



Sana nga tama si sapphire na sa oras na handa na siyang magtapat ng feelings niya for jazen ay parehas na sila ng nararamdaman. Ayoko lang kasing umasa ang bestfriend ko sa wala.



"HOY!" Napatayo naman ako dahil sa gulat. Sino ba yun?!



"HAHAHAHAHAHA, Sana nakita mo yung mukha mo! ang epic." At humagalpak na siya ng tawa with matching palo pa sa hita niya, bigla ko naman siyang binuhat na parang sako ng bigas, ano ka ngayon?! HAHAHAHA. She really hates when i'm doing this to her.

Unheard Feelings. { Under Editing } Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon