"OH sh*t what the-!" her classmates Jason and Elle looked at her with wide eyes at nagkukumahog na kumalas at nagdamit.
Agad syang nag iwas ng tingin at lumabas. What a day! First pinagtripan sya ng mga kaklase nya, pangalawa nakakita sya ng bangkay at ngayon naman nahuli nyang nay ginagawang kababalaghan ang dalawang kaklase nya. Napakuyom sya pero naga igik nang maramdaman nya ang sugat doon. Napatitig sya sa kanyang palad, biglang tumaas ang balahibo nya nang maalala ang dugo nya sa bangkay kanina. Muling bumalik ang matinding takot nya.
"Hey" tawag sa kanya ni Jason
Tumingin lang sya dito pero hindi umimik.
"Sana, wag mong sabihin sa instructors natin ang nakita mo kanina. We can keep it between us right?" nginitian sya nito.
Hindi sya sumagot at nanatiling nakatingin lang dito. She's a bit pissed at Jason. She used to like him. Nagtapat pa nga sya dito. Ang akala nya nong una gusto rin sya nito na ikinagulat pa nya pero ang totoo pala sinakyan lang sya nito para utuhin. Ginagawan nya ito ng assignments, projects, reports and everything at sa huli narinig nya lang ito na nakikipagtawanan sa mga barkada at sinabing tumaas ang grades nito dahil sa paggamit sa kanya. She's really pissed at him at instead na mag apologize ito, pinahiya pa sya sa harap ng napakaraming estudyante. At dahil doon lalo lang syang tinutukso.
"C'mon Xena," nagtaasan ang balahibo nya ang himasin nito ang kamay nya. Kung noon siguro baka sobrang saya nya pero ngayon, gustong gusto nyang sapakin ito sa mukha.
Agad syang umatras pero hinuli nito ang kamay nya.
"Baby.... Please" he gave her a sweet smile.
She grabbed his hands and removed it "Just leave me alone" she coldly said
Ngumiti ito pero napakunot noo nang makita ang dumudugong kamay nya.
"What happened to your hands?" Kinuha nito ang kamay nya at sinuri ang sugat nya.
Agad nyang binawi ang kamay "Its none of your business. Just leave me alone" inis na wika nya at napasulyap sa bintana. Elle was looking at them with sharp eyes but she just rolled hers.
"Xena-"
"Pwede ba, wala akong sasabihin sa mga instructors kaya lubayan mo ako." Wika nya bago tumalikod at naglakad palayo.
Naghanap sya ng banyo pero wala syang makita hanggang sa makasalubong nya ang isa sa mga staff ng lugar.
"Ahm, manong may....CR po kayo dito?" Tanong nya.
"Ay deretsohin nyo lang po mam saka kumanan kayo. May Staff house doon pwede kayong makigamit. Sira ho kase yong CR dito" ani nito.
Nagpasalamat sya saka sinundan ang direksyon na sinabi nito. She found a concrete house at sakto naman na may ginang na lumabas.
"Ano ho yon mam?" Tanong niti
"M-Makikigamit ho sana ng CR" aniya.
Ngumiti ito saka itinuro sa kanya ang CR. Agad syang nagpunta sa lababo at hinugasan ang duguang kamay. Napamura sya nang makita kung gaano kalalim iyon. There's three large cut and some tiny scratches around it. Kahit papaano naman ay tumigil iyon sa pagdurugo.
Pagkalabas nya ng CR naroon parin ang ginang at nagdidilig ng halaman. Nginitian sya nito pero agad iyong nawaka nang mapansin ang sugat sa palad nya.
"Hala maam ano hong nangyari dyan?" Nagtatakang tanong nito "Ay hali ho kayo at nang malinisan natin"
Kahit nagdadalawang isip ay sumunod nalang sya. Mabuti narin na madisinffect iyon. Pinaupo sya nito at sinimulang linisin ang sugat nya. After cleaning the woman bind it with a binder.

BINABASA MO ANG
Her Handsome Monster
RomanceBecause of bullying, Xena entered a cave to get her bag. But aside of it, she found a creepy creature sleeping in the middle of the cave at hindi sinasadyang nagising nya ito sa matagal na pagkatulog nito.