Chapter 22

3.9K 134 3
                                    

Buti nalang Xin didn't need much assistance. As soon as nakuha nito ang instruction nya, kayang kaya na nitong gawin mag isa. She smiled while watching him, then an idea popped int her head. Agad nyang kinuha ang phone at isinet sa video saka ito inilagay sa lugar na makukuha talaga sila ni Xin. She wants to remember this moment, Xin's first ever cooking lesson.

"After this?"

"Igigisa natin yng bawang at sibuyas, then yung ground pork then  yung hotdogs then yung sauce then mushrooms at cream" she smiled.

Akala nya magrereklamo ito pero napangiti sya lalo nang kinuha nito ang pan saka nagsimula. She laugh when she saw Xin cringe a little nang isalang nito ang bawang at sibuyas sa pan na may mantika. Xin frowned at her pero lalo lang nya itong tinawanan.

"Takot ka sa mantika?" She teased him but he just headlock her. "Isunod mo na yung pork, masusunog na oh!"

Agad nitong isinunod ang pork at maya maya ay ang hotdogs. The sauce was cooked well pati rin ang pasta. She felt proud with her monster. Agad nyang kinuha ang phone saka tinapos ang video at kinunan ng litrato ang pagkain.

"So, how does it taste?"tanong nito

She gave him a thumbs up "syempre ok."

"So, nung wala pa ako lagi ka bang mag isa kumakain?" Maya maya ay tanong nito.

She shrug "Oo naman. Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Nagtataka kase ako, sa laki ng bahay nyo naisipan mong maging independent. Pwede ka namang maging independent ng hindi umaalis doon. Pwede rin namang instead of house, magpagawa kayo ng personal passage mo sa bahay nyo para sa paglabas at pagpasok mo  kung ayaw mong ipaalam o ipakita sa buong mundo ang tungkol sa iyo at sa pamilya"

Natigil sya sa pagkain saka napatingin dito. Hindi nya alam na magagawa nyang maalala pa ang bagay na yon ngayon.

Napalunok sya "I was kidnapped when I was eight"

Natigilan si Xin saka napatingin sa kanya. "W-What?"

"Being the only female na anak, pamangkin at apo malaki ang pagmamahal saakin ng buong angkan ko. Kaya naman hindi namin alam may mga tao palang gusto akong gamitin noon para magkapera. They took me from my family, nagdemand sila ng five billion. That time kayang maglabas ng ganong pera sila mama pero buti nalang nagawa nila akong makuha bago pa makuha ng mga kidnappers yung pera. Everyone was so scared at bantay sarado ang bawat bata sa bahay. Lahat kami nag home school hanggang sa nagsawa ako at naghanap ng dahilan para maging malaya. Hindi ako masaya sa bahay eh. I prefer to live alone"she smiled bitterly.

Nakakuyom na ng kamao si Xin nang matapos syang magsalita "Ano ng nangyari sa kanila? Did they die?"

Napakunot noo sya "I don't know. Ang alam ko lang eh sinigurado nila na safe ako at hindi na makakalapit pa saakin ang mga taong yon" hinawakan nya ang nakakuyom na kamao ng binata "Don't clench your fist, wala ka namang kailangang ikagalit"

Hinawakan nito ang kamay nya "walang pwedeng manakit sayo. I will kill them before they could touch you"

She frown "Tama na nga yang kill kill na yan. Wala ka namang mapapala kung mapatay mo sila"

Hinila nya ang kamay nya pero hindi ito bumitaw. Instead, he kissed it and didn't let it go for a while.


Ano ba yan, hindi mo naman kailangang halikan eh. Pinapakilig mo naman ako.








Nakahiga sya sa couch habang nakaunan sa legs ni Xin. Kanina pa sya nag-iiscroll sa phone habang pinaglalaruan nito ang buhok nya. Weird ba kung feeling nya comfortable na sya sa ganitong set up nila.? Wala namang reklamo o pagtutol si Xin. Minsan nga ito pa mismo ang nagiging malambing sa kanya in a way na ineexpress lang nito sa action.

"Malapit na pala ang vacation, san kaya magandang gumala?" Maya maya ay wika nya.

"Kailan vacation nyo?"tanong nito.

"Next month na pala "she answered "Ano kayang pwedeng gawin? Ayoko munang bumalik sa resto, si kuya muna ang bahala doon" tumingin sya kay Xin "May alam kang magandang puntahan?"

"Gusto mountain climbing tayo?"

Nangasim nag mukha nya "Mamumundok tayo? Ayoko, ang sakit sa katawan"

"Atleast mas nagiging flexible ka. Maganda kaya yun sa health" wika nito.

"Paano kung may wild animals doon- ah! Oo nga pala, i will have a monster with me. Sige, pag iisipan ko" she went back on her phone.

Bigla syang napabalikwas nang may naalala "Magdidinner pala dito bukas si kuya, anong iluluto ko? Kailangan ulit nating mag grocery, remind mo ako bukas"

Hinila sya nito pahiga  "Oo na, wala ka namang pasok bukas."

She sigh "Ano kayang pwedeng gawin bukas? Maliban sa lumamon at matulog"






The next day napangiti sya nang makita ang mga nail polish nya sa cabinet. Napatingin sya paa at napangiwi. Medyo mataal tagal na rin syang hindi naglilinis ng kuko. Bumaba sya sa sala habang hawak hawak ang box na kinalalagyan ng nail materials. Buti nalang pala at nakaligo na sya.

A minute later......

Halos mag acrobatics na sya para lang maabot at malinisan ang kuko nya sa paa. Kanina pa nya ipinapaloob ang malaking tyan nya at pilit binibinat ang likod. Halos magpawis na rin sya sa ginagawa pero patuloy parin sya pa paguskos ng kuko. Big girl's problem. Lack of flexibilty. Baka mamaya nyan hindi na rin sya makayuko sa laki ng katawan.

"What are you doing?"

Napatingin sya kay Xin. Agad na namula ng pisngi nya nang makitang nakatapis lang ito "Xin! What did i tell you about wearing clothes bago lumabas ng kwarto?!"

Napatingin ito sa tapis saka agad na bumalik sa kwarto. Napahawak sya sa namumulang pisngi.

"Bakit ba kase kailangan mong maging yummy?" She mumbled saka pinaypayan ang sarili bago nagpatuloy sa ginagawa. Maya maya lang ay lumabas na rin si Xin na nakadamit na ng maayos. Nang makita nitong nahihirapan sya ay inagaw nito ang panglinis sa kanya.

"Uy, akin na yan kita mong naglilinis ako" aniya.

Umupo ito sa kabilang dulo ng sofa saka hinila ang paa nya "Ako na, hirap na hirap ka na oh "

Napasimangot lang sya hanggang sa matapos nitong linisan ang mga kuko nya sa paa. He was really gentle na at kaunting sakit lang naramdaman nya nang linisin nito ang mga dumi na nakasiksik sa mga kuko.

"Color it with this" binigay nya dito ang beige color na cuticle.

Dahan dahan lang ito sa pag aapply ng  kulay sa kuko nya para hindi ito lumabis. She smiled while watching him. Kinuha nya ang phone nya saka ito kinunan ng litrato habang kinukulayan nito ang mga kuko nya sa paa.

Habang abala ito sa paa nya, inasikaso naman nya ang kuko sa kamay. She shaped her nails saka nagdedecide kung anong kulay ang ilalagay doon. While still deciding natapos na pala si Xin sa paa nya. Kinuha nito ang gray colored cuticle and started applying in her hand nails.

Magrereklamo sana sya pero hinayaan nalang nya ito. After that he coated it with thin matte topcoat. Nang madry na iyon he made a small silver smudge in it creating a beautiful pale icy design. Halos hindi na sya makapagsalita sa ganda ng outcome nito.

"How did you come up with this idea. I love it" hindi na nya maalis ang tingin sa mga kamay. She frown nang may maalala "Sayang hindi sila magtatagal sa kamay ko. I have a kitchen lab next week" humaba ang nguso nya.

"You can remove it tapos designan ulit natin pag week end" he said.

She smiled "Really?."

She jump at him and hugged him. He just smiled and carress her hair. "Oo na, watch your feet, baka ulitin pa natin yan dahil nasira"

Agad syang umalik sa dating pagkakaupo nang maalala ang mga cuticle sa paa. Buti nalang tumigas na iyon.



A/N: Comment n' Vote

KitaraRed






















Her Handsome MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon