PABAGSAK syang humiga sa kanyang kama. Si Xin parin ang nasa isip nya. Iniisip nya rin kung safe sya dito. Yeah, he's a stranger and......a very hot stranger. Pero kahit ang pinakagwapong lalake sa mundo maaari din naman sigurong maging criminal diba? Hindi lang naman siguro mga panget at mga nagmumukhang pulubi ang pwedeng sabihan ng 'dont judge the book by its cover'. Like c'mon. This world is full of judgement. Minsan nga yung kapit bahay mo iniisip mong baka sungkitin yung mga naka-hang na damit mo kahit mas branded naman pala yung mga damit nila.
Men sometimes use their looks to lure women like Jason. Napabuntong hininga sya. Kahit naman anong isip nya, the answer to the logic is already there. Everything he said is true. Isa lang ang wish nya and that is to be safe around him. Sana naman this time hindi na sya mahulog sa kagwapuhan nito tulad nalang ng panty nya.
"Argh! Ano nanamam ba ang pinag iisip ko dyan!" Napakamot sya ng ulo pero may na realize.
Wala pala syang gamit diba? Alangan naman hindi sya maligo, magtoothbrush at lahat lahat?
Pero hindi pa nya natratry magshop sa mall. Pano nahihiya sya. Noon kaseng minsan nang maghanap sya ng damit nya halatang halata ang panghuhusga sa mga mata ng mga sales lady. Lalo syang naiinsecure sa katawan nya kaya ever since then nag-oonline shop na sya at kahit naman ang delivery man ay iba ang tingin sa kanya pag nagdedeliver ito ng products.
Napabuntong hininga nanaman sya. She needs to buy him some stuffs. Hindi naman nya pwedeng pagamitin ito ng panty, ano magsheshare silang gamit? Yuck no!
Pero anong size nya? Kinuha nya ang phone nya at bumaba. She knock on his door at agad naman nitong binuksan.
"Anong size mo?" Agad na tanong nya.
Napakunot noo at binigyan sya ng nagtatanong na tingin.
"Hmm.....wala kang...damit diba? Alangan naman gamitin mo damit ko? " She said
"Ahh" napatingn ito sa katawan at halatang hindi nito alam.
For the hundredth time napabuntong hininga sya.
"Ok size nalang ng uhmm...ano "tumikhm sya at nag iwas ng tingin "underwear mo"
Tumaas ang isang sulok ng labi nito.
"Oh, anong nginingiti ngiti mo dyan? Sabihin mo na kase at wala akong balak ipagamit sayo yung panty ko" inis na wika nya.
Xin lean on the wall and crossed his arms "Xena, have you forgotten that i've been asleep for a hundred years at kahit gustong gusto kong sabihin sayo wala akong idea kung anong size ko."
Bumagsak ang mga balikat nya"You're a pain in the ass"
"I can massage it for you" wika nito
Agad syang namula "Heh! Manyak neto!" Iniwan nya itong nakatawa sa pinto at nagtungo sya sa sala.
Since alam na ang sizes ng mga kuya nya, doon nalang nya ibinase ang size ni Xin.
Briefs? She tried remembering lower part. He got quite a but and..... Oh no. Not in there honey. Haay. She opened her phone and went into and online shop app. Later this day darating ang mga oorderin nya which made her glad. And nakakapagtaka lang kay Xin, he doesnt smell bad kahit matagal na itong natutulog. He actually smell good. Posible ba yon? Bakit nga ba nya naisipang patay na ito? Well half if his body is covered with vines thats why but thinking what happened that day, posible ngang tulog ito. He looks pale when she first saw him kaya talaga namang iisipin mo na patay na sya.

BINABASA MO ANG
Her Handsome Monster
RomansaBecause of bullying, Xena entered a cave to get her bag. But aside of it, she found a creepy creature sleeping in the middle of the cave at hindi sinasadyang nagising nya ito sa matagal na pagkatulog nito.