Pagkarating nila ng bahay pasado alas dose na ng gabi at pakiramdam nya nabugbog yata ang katawan nya.
"Xin kung gutom ka mag fruits ka muna, matutulog na ako at ako'y pagod" aniya saka umiikang umakyat sa kwarto.
She didn't even bother taking a shower dahil sa sobrang pagod at antok kaya naman nang makahiga sya sa kama ay agad syang hinila ng tulog.
Halos tanghali na nang magising sya. Agad syang dumeretso sa bathroom dahil napapangiwi sya sa amoy ng natuyong pawis nya. She couldn't dive into a cold shower dahil sa sakit ng katawan nya kaya sa maligamgam na tubig sya nagbabad.
After a very long shower nagpalit na sya pero tinatamad syang bumaba para magluto kahit na nagugutom sya.
Padapa syang nahiga sa kama para ipahinga ang katawan. Xin suddenly knock on her door."Pasok." Aniya sa medyo mahinang boses.
When the door opened Xin entered holding a tray of food. She sigh in relief dahil gutom na rin sya.
"Kumain ka muna, halatang napagod ka kahapon" ani nito.
She sigh again "Mamaya na,"
Nagulat nalang sya nang may kamay humawak sa likod nya. Xin suddenly started massaging her back.
"You better be good at that, don't just squeeze my fats. Hindi sila ang masakit" she said before closing her eyes.
She can feel every touch, he is gently doing his job. Napakagat labi sya nang magusytuhan nya ang ginagawa nito.
"Hmmm" ungol nya. Bigla syang napamulat at agad ding pumikit. Damn! Baka kung anong isipin nito sa ungol nya. She didn't mean it in an erotic way but she was just enjoying the massage! Hala!
Napakapit sya ng mariin sa bedsheet pero agad din syang bumitaw. What the! Ano bang pinaggagagawa nya? Baka isipin ni Xin sarap na sarap sya sa ibang paraan. Later on she fell asleep again. Her body needs a total rest.
Almost evening na nang gisingin sya ni Xin.
"You need to eat, you skipped breakfast and lunch" ani nito.
She stretched her arms and sigh. She felt better now, nakatulong ang massage ni Xin sa kanya.
When she look at the food she sigh and shake her head saka tumingin kay Xin. He is just giving her his usual look.
"Wala ka na yatang pag -asa sa kusina. How can you burn a freaking bacon? The egg......" She picked a piece of egg shell mixed in the fried egg "Are you trying to kill me?"
His eyeballs moved to the left "Well, i was trying to follow the instruction in the internet and.... It turned out like that"
Umiling iling sya "Youre not a good follower. Nagpadeliver ka nalang sana"
"Sabi mo ayaw mo ng delivered food" depensa nito.
"Kesa naman kumain ako ng eggshell" sumbat nya.
She picked one bacon ang munch it. It taste fine .....well dor a hungry stomach.
"Anyway, i want to give this to you" ani nito saka may inilabas na maliit na antique metal box na may magandang design. Kinuha nya iyon at napangiti. Pero lalong nanlaki ang mga mata nya nang makita kung anong naroon.
"Sure ka ba na.....ibibigay mo to sakin?" Paninigurado nya.
Tumango ito na parang wala lang.
"Are you sure Xin? This is worth a lot of millions. I won't mind kung babawiin mo" aniya.
Umiling ito "When i first saw that necklace, ikaw ang unang pumasok sa isip ko kaya sayo na yan"
She look back at the gold necklace. It has a unique antique design on the lace which is not common nowadays. The pendant also shows uniqueness, may ilang gemstone na kumikinang sa gitna. She saw all of her mother's jewelry and she even taught her how to identify fake from real dahil sa hilig ng mama nya sa alahas. As soon as her eyes laid on the jewelry, she already fell in love with it.

BINABASA MO ANG
Her Handsome Monster
RomanceBecause of bullying, Xena entered a cave to get her bag. But aside of it, she found a creepy creature sleeping in the middle of the cave at hindi sinasadyang nagising nya ito sa matagal na pagkatulog nito.