Chapter 52

3.5K 110 7
                                    

Gabi na pero may kumakatok sa pintuan nya. Napakunot noo sya sa kung sino maan ang nasa labas.


"Hey!"

She frown when Rad greet her. Kasama nito sina Jacob at Mio.

"Yes? Kailangan nyo?" Tanong nya.

"Pwede pumasok muna?" Sarkastikong wika ni Mio.


"Hindi, bakit sana?"


"Papasok muna, damot neto" wika ni Rad saka sya nilagpasan.


Napa iling iling nalang sya at hinayaan ang mga ito na pumasok.


"Wala paring ipinagbago   tong bahay mo, except mas marami ng picture na nakadisplay. No wonder hirap kang magmove on, eh si Xin ang nakikita mo araw araw." Wika ni Jacob.


"May problema kayo don?" Tinaasan nya ang mga ito ng kilay.

"Wala naman. Nasasabi lang. Anyway, narinig ko pinakaladkad mo si Jullian palabas ng restaurant mo. True?" Tanong ni Jacob.



"Ayaw na ayaw ko ng taong nanggugulo. Magpasalamat sya yon lang ang natamo nya. Matapos syang manggulo at manuntok ng staff ko, kulang pa yung ginawa ko sa kanya." Nameywang sya nang makita ang ilang beer na dinala ng mga ito "And who told you that you can drink here?"

"C'mon Xena, it's just a beer." Wika no Mio.


"Yeah, and I heard may nagdrama daw nung kasal ni Samael dahil naka inom. Yung isa pa nga daw sa damuhan nakatulog sa kalasingan" tinignan nya sina Jacob at Mio "Hindi nyo rin pinahiya mga sarili nyo no? Huwag kayong mag inuman dahil lasing man o hindi, hindi kayo pwedeng matulog dito sa bahay ko. Ayoko ng malas"



"Grabe naman to! Inuman lang, ilang can lang yan oh" pagpipilit ni Jacob.

"Hindi, walang mag iinuman. Kase pag nalasing kayo sa labas parin kayo ng gate at wala akong pake alam kung papakin kayo ng mga lamok at kung ano mang nilalang ang meron dyan sa labas" tanggi nya.


"Haist, damot neto. Sige, burger nalang. Grill lang ako ng patty" kinuha ni Mio ang mga pinamili at dumeretso sa kusina.


Natigilan sya nang makita ang ginagawa ni Mio. Napahigpit sya ng kapit sa baso dahil muli nyang naalala si Xin.

"Xena!"

Bigla syang napabitaw sa baso at nagulat nalang nang makitang may crack iyon.


Tumayo si Jacob at kinuha ang basag na baso saka tinapon. She sigh and sat on the sofa. Ilang beses ng nakita ng mga kaibigan nya ang mga ganitong bagay pero ni minsan hindi sila nagtanong dahil alam nila kung gaano sya nahihirapan.


"Ok ka lang?"tanong ni Rad "Yung totoo"

Bumuntong hininga sya "Ok lang ako. May naalala lang. Wag nyo nalang akong pansinin"



Kumuha si Jacob ng tubig saka ibinigay sa kanya. Maya maya ay tumingin sya kay Mio.

"Tapos na ba yan? "


"Oo, ok na. Grill nalang" sagot nito.

Tumayo sya "Tara sa rooftop tayo. May griller doon"


"Pwede mag inuman doon?" Tanong ni Jacob.



"Subukan mo ilalaglag kita" wika nya saka naunang umakyat.




Pagkarating nila sa rooftop agad nyang inasikaso ang griller. Nang dumating si Mio agad nitong niluto ang patties na ginawa.


"seryoso, may alak sa baba pero di ko maintindihan kung bakit gatas ang iniinom natin" reklamo ni Rad


Her Handsome MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon