"Naglaba ka ng bedsheet?" Tanong ni Xin na kagagaling lang ng backdoor.
"Oo, nakita mo naman siguro diba naka hang lahat ng bedsheet natin sa likod" sagot nya.
Bumagsak ang balikat nito "Dapat hinintay mo ako, ang bibigat pamandin ng mga bedsheet. Eh di mas lalo na nung basa"
Nagkibit balikat sya "Syempre kaya nga ang sakit ng likod ko pero wala kase akong magawa kanina kaya nilabhan ko nalang yun mag isa. Hindi mo naman kase sinabi saakin kung anong oras ka babalik. "
He sigh "Magpahinga ka muna."
She shrug and took the package "Sa kwarto na ako magpapahinga"
Mabilis syang umakyat. As soon as she entered her room, binuksan nya ang package. Isa isa nyang inilabas ang mga items. Napangiti sya nang makita ang red na lip tint. Almost every girl has this item in their make up pouch kaya nacu-curius sya doon. She sat infront of the mirror and applied the tint on her lip without removing the excess liquid from the applicator kaya naman nang i-apply nya pumunta sa ngipin nya ang iba. Agad syang tumakbo ng Cr at nagmulumog sa may lababo habang hawak hawak ang bukas na tint hanggang sa mawala ang liquid na nakapasok sa bunganga nya.
"Ano ba yan" she hissed.
Lumabas sya ng cr pero narealize nyang naiwan pala nya ang applicator sa lababo kaya bumalik sya kaso dahil basa ang tile ng cr, nadulas sya at napatili saka paupong bumagsak sa sahig sa labas ng cr. What's worse is natapon sa bibig nya pababa sa baba at damit nya ang pulang tint. Pero hindi nya iyon pinansin dahil sa masakit na pwet.
"Aww!" She hissed while holding her butt.
Biglang bumukas ang pinto. Nakita nyang nanlaki ang mga mata ni Xin nang makita sya. Agad sya nitong binuhat at pina upo sa kama at walang sereseremonyang hinalikan. That's when she realized what's going on when she tasted his blood on her mouth. Sinubukan nya itong itulak pero ipinahiga lang sya nito sa kama at patuloy na hinalikan at ipinapasa ang dugo.
She stried punching her chest and pushed him pero kumalas lang ito after a very long minute at alam nyang pulang pula na ang mukha nya.
Napakunot noo ito nang makita parin ang pulang likido sa baba nya at sa damit nya. He's still on top of her.Sinuntok nya ito sa dibdib "Bakit ka ba nanghahalik?!"
"I was so horrified, the blood-"
"Hindi dugo yan!" Hinampas nya ito sa dibdib "It's a liptint. Liptint! Argh! Ang hilig mong manghalik? Dito pa talaga sa kama ko? Hoy hindi porke't nakapatong ka makikipagwrestling na ako dito sa kama! And you made me drink you blood again"
Sa dami ng sinabi nya, parang wala lang kay Xin. He just used his thumb to wipe the tint on her chin. Only then he was convinced that it was just a liptint. Umalis ito sa ibabaw nya saka sya tinulungang umupo.
Thanks to Xin's blood, nawala agad ang sakit ng katawan nya but she's still a bit mad. On what reason? She's not sure herself. Basta gusto lang nyang magalit dito.
Pumunta ito sa cr at paglabas may hawak itong basang bimpo at pinunasan ang tint sa bibig nya pero inagaw nya ang bimpo mula dito.
"Sorry, nag alala lang ako nung marinig ko yung kalabog dito. I was horrified when i saw those red liquid on your body. Akala ko nagsuka ka ng dugo or what" ani nito
She look at him "Why were you horrified?"
He didn't say anything. Basta lang itong tahimik na lumabas.
"Problema ng lalakeng yon?" Napa iling iling sya saka ipinagpapatuloy ang paglilinis sa tint na napakahirap tanggalin.
Napangiti sya nang maamoy ang bagong labang bedsheet nya. Kanina dinala ni Xin ang bedsheet sa kwarto nya. And now, dumapa sya sa kama na napaka kumportable. She even changed her pillowcase and even her blanket is newly washed.

BINABASA MO ANG
Her Handsome Monster
RomanceBecause of bullying, Xena entered a cave to get her bag. But aside of it, she found a creepy creature sleeping in the middle of the cave at hindi sinasadyang nagising nya ito sa matagal na pagkatulog nito.