Chapter 6

4.6K 127 2
                                    

BEFORE she went home dumaan muna sya sa isang mini mart para kumuha ng ilang kailangan sa bahay. She's running out of stock in her fridge since para sa dalawa na ang niluluto nya. Kailangan din nyang bumili ng chips para sa midnight snack nya.

Papara na sana sya nang taxi nang may bumusina sa kanya na ikinagulat nya. Napakunot noo sya nang mapansin nyang ang sasakyan nya iyon. Bumaba si Xin at kinuha ang mga pinamili nya saka inilagay sa trunk ng sasakyan. Mabilis syang sumakay nang makitang pinagtitinginan sila ng mga tao lalo na si Xin. Agaw pansin kase ang itsura nito, paano ba namang hindi? Sa tangkad at kisig ba naman nito, idagdag mo pa ang gwapo na mukha nito.

"Ba't narito ka?" Agad na tanong nya dito

"Susunduhin sana kita sa school kaso andito ka naman" sagot nito.

Napakunot noo sya "Pano mo nalamang narito ako?"

"Your phone" maiksing sagot nito habang nagmamaneho.

Agad nyang nakuha kung anong ibig sabihin nito. She's happy that he's learning fast but this guy is really a monster. Parang hindi ipinanganak noong sinaunang panahon. Ang bilis makapick-up!

"Kumusta pa lakad mo? Found anything?" Tanong nya.

Umiling ito "Wala pa but one doctor caught my attention. "

Tumango tango sya "that's good.  I wish i could help you from your situation but i will be needing my parent's help but I cant ask help from them without telling them about you so sorry"

Tumango ito"Ok lang."

Maya maya pa ay tumahimik sila pareho.

"Well, i just wanna ask. Bakit mas bumait ka yata at tinutulungan mo ako sa paraang alam mo? Like letting me use your car" tanong nito maya maya.

Sumandag sya sa upuan at ipinikit ang mga mata "Dont misunderstand. I just want you out as soon as possible kaya tinutulungan kita"

Hindi na ito nagtanong pa. Maya maya pa ay naramdaman nya ang pagtawag ng kalikasan sa kanya kaya napatuwid sya ng upo.

Tinapik nya si Xin "paki-bilis"

Umiling ito "Hindi pwede. You told me to drive safely-"

"Drive safely ka dyan! Dalian mo  kung ayaw mong amuyin ang halimuyak na manggagaling sa pwet ko!" Hinapas nya ito sa balikat.

Agad naman nitong binilisan na halos muntik na syang mapasigaw.













"Ok class..... Im sorry I forgot to inform you earlier magkakaroon pala tayo ng convention bukas and you are all required to attend. Attendance will be strictly checked and all of you must wear your uniform" wika ng instructor nila.

Kung dati mga kaklase nya lang ang nagrereklamo, ngayon pati na rin sya. She hates wearing uniform. Its the worst thing she had ever worn. Now she will need to wear it again.

She didn't think Xin would pick her up that afternoon. Nagulat nalang sya nang makitang nag-aabang ito sa kanto kung saan sya nito ibinaba kaninang umaga. Pakiramdam nya aaraw arawin na nito ng paghahatid sundo sa kanya at alam nyang kahit awayin nya nito tulad ng ginawa kaninang umaga ay wala itong pake alam at ipagpipilitan lang ang gusto. Now she got a very stubborn monster in the house.

"May dadaanan ba tayo?" Tanong nito

"Bahay na" medyo irritated na sagot nya

"May problema ba?"tanong nito

"Mind your own business" she hissed.

Hindi na ito umimik. Lalo tuloy syang nairita. Sana nagsalita parin ito at tinanong kung bakit sya irritated or what. Pero Xin being Xin, alam nyang pagsinabihan nya itong manahimik mananahimik talaga ito kaya naman hindi sya makapag daldal tulad ng gusto nya. Ngayon na nga lang sya magkkaroon ng housemate tahimik pa. Pwede bang yung pwede naman nyang maka-usap, makulit, yung ganung tipo ng tao. Pero hindi na nya iyon aasahan sa lalaking katabi nya ngayon.

Her Handsome MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon