Habang hawak ang mga pinamiling ingredients nakatingin sya sa kusina mula sa sala. Napakabilis ng tibok ng puso nya habang nakatingin ng area na iyon. Umiling iling sya at inilapag ang mga hawak sa mesa saka nagtungo sa kwarto at nagpalit.
Agad nyang isinuot ang apron pero natigilan sya. Napahawak sya sa burda ng apron at sa kapares nito. It's the only apron available in the kitchen. Huminga sya ng malalim at sinubukang huwag bigyang pansin ang mga ala alang pilit na bumabalik.
Sinimulan nyang hiwain ang mga ingredients pero sa kalagitnaan nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata pero huminga lang sya ng malalim. Nagpatuloy sya sa ginagawa pero habang tumatagal ay lalo syang nahihirapan na pigilan ang sariling maging emosyonal. Nanginginig na ang mga kamay nya sa paghihiwa.
Tumigil muna sya sa paghihiwa at tumingala para pigilan ang luha pero sakto namang tumulo iyon.
"I'm ok, I'm ok" she wipe her tears and continue. Pero tila nawala na ang control sa kanyang luha dahil habang pilit nyang inaabala ang sarili ay tuloy tuloy naman ang kanyang pagluha. Lahat ng mga ala ala nila ni Xin ay bumabalik. Habang tumatagal ay lalong bumibigat ang kalooban nya hanggang sa bigla nyang nasugatan ang sarili.
May dugong lumabas ngunit agad na sumara ang kanyang sugat. When she look at the dining table mas lalo nyang naalala ang lahat.
The first meal Xin cook for her, ang lemon juice na ibinigay nito sa kanya, the coffee he made, when they baked a cake and fool around with the icing, everything is flashing back. Napa upo sya at napahikbi. Napakahirap para sa kanya ang pigilan ang pagiging emosyonal. She badly wants to go back to her old self pero hindi nya magawa. It's really hard to forget him.
Iniwan nya ang ginagawa at ibinagsak ang katawan sa sofa. Agad na napunta sa litrato nila ni Xin na nakadisplay ang kanyang atensyon. Nakatingin lang sya doon habang si Xin lang ang nasa isip nya.
Narinig nalang nya ang pagbukas ng pinto. Kahit hindi nya tignan alam nyang isa sa mga kuya nya iyon na bibisita. Tumigil ito sa paglalakad sa likod nya.
"You..... you're cooking?" Gulat na tanong ni Nix sa kanya habang naglalakad papunta sa tabi nya. Inilapag nito ang hawak na paper bag sa mesa.
"Yeah, I tried but I think it's a fail" sagot nya. "Rad visited me this and advised me to take another shot in moving on pero mahirap parin"
"Xena, it's a part of moving on. Alam mo yan. " Huminga ito ng malalim "You're like an infected computer and Xin is your virus"
She smiled bitterly "Buti nga sana kung ganon lang, kase yung virus pwede pang matanggal. Yung akin permanent. Pero alam mo kuya, kahit pa pwedeng i-format ang memory, hinding hindi ko yon gagawin. Ayokong kalimutan sya"
"Maybe that's the reason you can't move on. Maybe a part of you is thinking that you will need to forget him in order to move on at ayaw mo yon"
Nagkibit balikat sya "I don't know. We had many happy memories kaya sobrang hirap nyang kalimutan. "
Tinapik sya ng kapatid sa balikat "You're doing great. You will be fine as long as you try"
Nang lumalim ang gabi hindi parin nya nagawang tapusin ang ginagawa. Pumanhik sya sa kanyang kwarto para sana magpahinga pero napansin nya ang mga papers na nakakalat sa table nya. Inayos nya iyon at ilalagay sana sa pinakamababang drawer nya pero natigilan sya nang makita ang black na notebook. Kinuha nya iyon at binuklat. She unconsciously smiled when she saw her collection of recipes. Before she met Xin, she develop her own version of different recipes.
Sa bawat pahina ay napapangiti sua sa bawat ala alang bumabalik sa kanya, naaalaa nya kung gaano nya naeenjoy ang magluto noon kaya naman sobrang taba nya. Nang makita nya lahat ang nilalaman ng notebook, pakiramdam nya may bagay na nanumbalik sa kanya.

BINABASA MO ANG
Her Handsome Monster
RomansaBecause of bullying, Xena entered a cave to get her bag. But aside of it, she found a creepy creature sleeping in the middle of the cave at hindi sinasadyang nagising nya ito sa matagal na pagkatulog nito.