CHAPTER SIXTEEN

2.2K 36 0
                                    

  Buo'ng byahe ay nanatili lang ako'ng tahimik, mas pinili ko'ng wag mag salita at ituon sa paligid ang atensyon. Wala namang dapat pag usapan kaya hindi ko kailangang mag salita, kinakausap man n'ya ako para lang mag tanong at pag katapos ay balik sa normal.

 Isa'ng oras din ang lumipas matapos ng byahe ay nakarating na kami sa loob ng subdivision. Mukha'ng exclusive ang titirhan naming bahay, mukha'ng mamahalin eh. Kita naman sa mga nag lalakihang mga bahay, este mansion na ata ang mga nakatayong bahay dito. Simple ang pag kakagawa, pero mapapa wow ka sa ganda at laki. 

"We're here." Untag n'ya sa katahimikan, hindi ko s'ya nilingon sa halip ay napako ang tingin ko sa napakalaking bahay na nasa side ko kung saan ako nakadungaw. Halos mamangha ako sa laki at ganda nito, oo aaminin ko higit na mas malaki ito sa mansion na meron ang pamilya ko. Mula sa labas ay makikita mo na ang ganda nito, lalo pa siguro ang loob nito. 

 Wala'ng sabi ay agad ako'ng bumaba sa kotse ni hindi rin magawang alisin ang tingin sa malaking bahay este Mansion na nasa harapan ko, naka tingalang pinag masdan ko ito.

 'Ito na ba 'yon? God! Ang laki, wala'ng wala ito sa Mansion ng pamilya namin. Dito ako titira? O edi dapat mas mapadali pa.' Natutuwang idea ng isip ko. 

  Hindi ko na s'ya inintindi pa, sa halip ay agad agad ako'ng pumasok sa loob ng mansion ng makita ko'ng agad n'ya ito'ng binuksan.  

  Halos mamangha ako, sa unang natapunan ng tingin ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ko ang isa'ng malaking Fountain at ang garden sa di kalayuan. Masyadong malaki ang mansion na ito para sa amin, sa kabilang bahagi ng mansion naroon ang garahe ng bahay. Agad na nag lakad pa ako hanggang sa marating ko ang mismong bukana ng mansion, halos malula ako ng makitang napaka taas ng pinto nito. Bawat desenyo ng door ay hindi pamilyar sa akin, naroon ang iba't ibang linya na inukit mismo gamit ang kamay, sa kanang bahagi nito ay ang monitor kung saan alam ko ay tanaw ka mula sa loob nito. Mukha'ng may pass code din bago ka pumasok. 

 Hindi ko akalaing ganito kalaki ang titirhan namin, at masyadong high-tech.Luminga ako para makita ang lalaki'ng kasama ko, tinignan n'ya naman ako ng may pag tataka. Hindi nga pala s'ya marunong makuha sa tingin. Hayzst.

 "Tss. Open the door ano tatanga na lang ba tayo dito, titignan ang mataas na pinto'ng 'yan." Pag tataray ko, siniringan n'ya lang naman ako t'saka lumapit sa pinto. 

 Nagulat pa ako ng bigla s'ya may sinabi bagay na hindi ko maintindihan. 

 "Ardnas Evol Evad." Matapos n'yang sabihin 'yon ay kusa ito'ng bumukas, ang ikinatataka ko parasaan 'yong monito na nasa sarap namin, kung saan kailangan mo'ng mag enter ng number? Langya! Ano 'yon display?. Tsk!. 

 At isa pa ano namang klaseng pass code 'yon? ' Ardnas Evol Evad?' Ano'ng ibig sabihin non? Hayzst ewan. Matanong nga.  

  "Para saan ang pass code na 'yon? Ano nga uli 'yon? Arnas Ebol Ebad? Ay ewan." Inis na sambit ko sa sinabi n'ya nakakabulol.  

  Himbis na sagutin ako ay tinignan n'ya lang ako na para'ng walang pakeala, t'saka ako nilampasan at mag simulang mag lakad papasok.  

  Tignan mo ang ugali ng isa'ng ito, minsan hindi maiwasang wag dumada. Minsan naman napaka tahimik, sarap batukan. Halos humaba ang nguso'ng sumunod ako sa kan'ya at binalewala na lang ang pass code na sinabi n'ya kung ayaw n'yang sabihin edi wag! Para namang ika mamatay ko. Tss!. 

 Tinignan ko s'ya ng masama, kahit tangging likod n'ya lang ang kaharap. Kahit nakatalikod ay mahahalata mo ang hubog ng katawan nito na halos bumakat na sa soot nitong Tshirt na puti, gwapong gwapo ang matcho nito'ng pag lalakad. Haba'ng abala ang sarili ay nagulat ako sa biglaan n'yang pag lingon dahilan para mapahinto ako. 

My NYMPHOMANIAC Secretary. (NOT EDITED.)Where stories live. Discover now