CHAPTER SIX

4.5K 53 6
                                    

 NASA table na inukupahan na namin kami, at hanggang ngayon ay napapangiti parin ako. Halos ayaw na n'ya kase akong bitawan kanina. May kakaiba akong nararamdaman para sa ka'nya, pero isinantabi ko na lang. Hindi naman kase ganon kaimportante.

 "Iba ka talaga, pero unfairness ang gwapo n'ya ha." Tapik sa'kin ni Sam, totoong gwapo s'ya at aaminin ko'ng s'ya ang tipo ko'ng lalaki.

 "Ano, nakuha mo ba ang pangalan n'ya? How about his number? Address?." Sunod-sunod na tanong naman ni Cy, at ako naman ay naka tingin lang sa lalaking binabanggit n'ya. Na ngayon ay tinutukso ng mga barkada n'ya. Nahuli n'ya pang naka tingin ako sa ka'nya, kung kaya agad ako'ng nag iwas ng tingin at nilagok na lang ang laman ng baso'ng hawak ko.

 "Ano, nakuha mo ba?." Pag uulit pa uli ni Cy sa tanong n'ya

 "Hindi." Tipid ko'ng sagot habang nilalantakan ko 'yong Nachos, na inorder ko. 

 "What! Bakit? Maski pangalan hindi mo kinuha?." Gulat at lasing na'ng tanong n'ya,  at kahit ako ay lasing na'rin pero kaya ko pa naman.

 "Hindi ko ugaling mag tanong, ang mahalaga lang sa'kin ang mang-akit at mag-enjoy ano ka ba." 

 "Sayang naman." Pang hihinayang nila, uminum na lang naman kami ng uminum. Panay ang order at kapag naubos ay kukuha pang muli. Halos umikot na ang paningin ko sa labis na kalasingan. Panay pa'rin naman ang inum ko, kahit sila Sam ay medyo wala na rin sa sariling katinuan.  

My NYMPHOMANIAC Secretary. (NOT EDITED.)Where stories live. Discover now