CHAPTER THIRTY THREE
Matapos ang nangyari kanina ay napagpasyahan pasyahan kong patuluyin na lang sya, dahil hindi naman sya maaaring umuwi pa dahil gabi na. Mabuti na lang at May guest room pang dalawa at tamang tama lang para sa kanya, nahihiya man ako sa nakita nya kanina ay mas minabuti kong kalimutan. Nandun parin naman yung galit ko sa kanya pero mas napalitan yon ng mga isiping bakit ganon ang mga narinig ko sa kanya kanina lang, para bang hinahatak akong maniwala na sya at si Dave talaga ay iisa. Oo nandun na nga't pareho sila ng pangalan pero hindi ang pagkatao at ugaling meron sila. Mabait si Dave, gentleman hindi tulad ni Dave Montefalco na ubod ng walang kwenta. At higit sa lahat si Dave na kababata ko ay sobrang mahahalahanin at makikitaan ng pagiging totoo unlike Dave Montefalco. Masyado syang malayong malayo sa Dave na kilala ko. Nawala ang isipin ko sa biglang pagdating sigaw ni Cy.
"Sandra narito na ang bisita mo." Aniya mula sa baba, narito kase ako sa kwarto ko at hinuhupa ang namamaga ko pang mga mata. Nandyan na nga sya, bigla kaseng umilaw ang phone ko at ang pangalan nya ang nag pop up dun. Agad kong tinignan ang sarili sa salamin at bahagyang nag ayus ayokong sinuman sa kanila ang makahalata sa itsura ko ngayon, lalo pat magkakasama kami. Except kay Sam na hindi nakasama ngayon. Mabilis na Naka baba ako at nakita ko s'yang naroon sa Salas, maging si Dave ay naroon at May matalim na tingin sa bisita ko. Problema nya.
"Oh mukhang ginabi ka ata Shion." Yes si Shion ang bisita ko, naisip ko kaseng kumbidahin na rin sa, tutal naman ay nabanggit ko sa kanya ito last time na nakapag usap kami. Kaya heto at narito sya.
"May inasikaso lang akong importante, kaya medyo ginabi. Nga pala para sayo." May kinuha sya mula sa kinauupuan nya matapos n'yang tumayo para salubungin ako. Nag abala pa.
"Naku! Nag abala kapa, sana hindi na lang." Nahihiya kong sambit habang inaabot ang ibinigay nyang paper bag.
"No. Napadaan lang kase ako sa shop, kaya naisipan kong dalhan ka nyan." Aniya. Ako naman ay agad Yong tinignan.
"Wow Chocolate bars and Chocolate ice cream. Wahh bigla akong nag crave. Thank you Shion." Tuwang tuwang pasalamat ko, bigla tuloy ay nag lawa ako ng husto. Wag sabi sabi ay agad kong inilabas ang ice cream at agad Yong nilantakan.
"Oyy penge." Ani Cy, at agad agad na kumuha ng mangkok Lima ang kinuha nya. Sat hindi na ako nag taka pa marahil para yon sa aming Lima. Dahil narito na rin naman si James mula sa Resort Island.
"Ayoko nga bumili kayo ng sarili nyo, akin kaya to." Parang batang bulyaw ko. Tyaka ko nilantakan yon gamit ang kinuha nyang mangkok at kutsara ay nag lagay ako at ng matapos ay sinara ko rin at pinaingitan si Cy, natatawa akong tinignan sya.
"Paburito ko pa naman to, salamat talaga Shion." Muli ay pasalamat ko.
"Don't Worry papadalhan kita palagi nyan."
"Talaga! Salamat ah." Nag ningning ang mga matang tinignan ko si Shion. Grabe parang gusto ko talagang ubusin ang lahat ng yon, pero hindi pwede dahil kailangan ko din silang bigyan.
"Oh hayan na, baka mamaya pinag darasal mo ng sumakit sana ang tyan ko dahil hindi kita binigyan." Sinamahan nya ako ng tingin.
"Hindi ako kasing sama mo." Sabay naman kaming natawa. Naalala ko pa nung parati akong binibilhan ni Dave nito noon nung mga bata pa lang kami ay palagi syang pumupunta sa mansyon para lang sabay naming kainin ang Paburito kong ice cream chocolate flavor at ang purong purong chocolate. Bigla ay nangingilid nanaman ang luha ko.
YOU ARE READING
My NYMPHOMANIAC Secretary. (NOT EDITED.)
Romance"MY NYMPHOMANIAC SECRETARY." WRITTEN BY: Arah_Hara/Ara Mae Estrope She's Sandra Chavez Smith, The Richest, Smartest, The Only Child, She's Sexy and she's goddamn HOT!, Owner Or Their Own Companies and Resort Here and out of the country, she's good...