CHAPTER FORTY

931 22 14
                                    

CHAPTER FORTY

CY's POV:

Hindi ko alam ang mararamdaman, sobra sobrang kaba ang naramdaman ko ng bigla ay ilabas ni Althea ang baril. Nanginginig ang kamay na nilapitan ko si Sandra na noo'y mabilis na pumalahaw ng takbo patungo kay Dave, pero huli na. Dahil mabilis na kinalabit ni Althea ang gatilyo ng baril, dahilan para ang ilan ay mag panic at maging kami ay halos manlumo sa nangyari. Si Shion si Shion ang sumalo ng bala na syang dapat Sasauluhin ni Sandra para iligtas si Dave, mabilis pa sa hangin ang biglaang pag takbo ni Shion at pilit na inagawan ang baril kay Althea, pero dahil sa pagkakamali ay si Shion ang tinamaan. Sa labis na pag iyak ay nawalan ng malay si Sandra dahilan para lahat kami ay mapasigaw, inakalang sya ang tinamaan dahil sa hindi naman namin napansin ang nangyari matapos makipag agawan ni Shion. Dalawang tao ang ngayon ay mabilis namin inihahatid sa ospital, dalawang taong ngayon ay halos paulanan kami ng labis labis na kaba.

Si Althea ay naiwan sa venue ng party, naiwang Naka tulala at umiiyak sa gitna noon. Habang paulit ulit na sinasabi ang salitang 'H-hindi ko sinasadya.' habang yakap yakap ang wala ng malay na si Shion. Mabilis na kumawala ang maraming dugo mula sa tiyan ni Shion, dahilan para isugod sya sa operating room at mabilis na inanunsyo ng doctor sa nurse na kumuha ng bags ng dugo.

Maging si Sandra ay sinimulan ng Asikasuhin ng doctor, panay ang hikbing nilapitan ako ni James. Ang lahat ng narito ay napuno ng pag aalala, ang kaninang panay ang pagdarasal ni Dave ay nauwi sa maya't mayang pag hagulhol nya. Hindi ko maiwasang wag maawa, pare pareho silang biktima. Hindi ko ma-imagine na aabot sa ganito, ni hindi ko nakitaan si Shion ng pag Papanggap sa halip ay kinakitaan nya kami ng kabutihan. Sa huling pag Kakataon ay pinili nyang harapin ang kamatayan, piniling saluhin ang balang para sana ay kay Sandra.

Panay ang lakad ko at para bang kinakabahan na ng husto sa takot na baka mapano si Sandra at ang baby nya. Si James ay panay ang kwestyon sa sarili, dahil hindi man lang nya nabantayan ang nag iisang prinsesa nya. Nag Pupuyos sa galit ang mga kamao ni Dave ng tumayo ito, lahat kami ay nasa sakanya ang atensyon.

"Saan ka pupunta." Ako na ang nagkusang mag tanong ng mapansin ko ang mabilis na pag hakbang nya. Tinignan nya ako ng may lungkot sa kanyang mga mata, kahit pa mauulinagan mo rin ang galit na itinatago nya.

"Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang babaeng yon." Nag ngangalit ang bagang na aniya tsaka hindi pinansin ang pagtawag ko matapos nitong umalis bigla. Tuloy ay kinakabahan akong bigla sa desisyon nya, kaya nag pasya akong habulin sya. Noong una ay pinigilan ako nila James pero sinabi kong kailangan ko syang makausap, kahit sandali lang.

Pinayagan nila ako at hinayaang habulin si Dave, hindi pupwedeng pati sya ay mapano. Alam kong sobrang mag aalala si Sandra kapag nalaman ang pag sugod nito, Sa wakas ay nakita ko din sya at dali daling tinakbo ko ang ngayon ay pasakay na sa kotse nyang si Dave.

"Dave!." Sigaw ko sa pangalan nito, pero nanatili syang bingi at pasara na sana ang pinto ng kotse nya ng bigla ay kabigin ko iyon.

"What." May diing aniya, mabilis na kinalma ko ang sarili mula sa pagka hingal. Bago ko sya tinignan at doon ay nag salita.

"Just please stay, hinding hindi kita papayagan na umalis. Ayokong mas mapasama si Sandra kapag hinanap ka nya pag ka gising nya, just please stay here." Nakita ko ang pag aalala sa mga mata nya, bigla ay nanubig yon at mabilis nyang pinahilamos ang mukha sa sariling mga kamay. Alam kong masakit ang nangyari sa araw na ito, pare pareho kaming sumugod sa hospital na ang tanging soot ay formal attire para sa birthday ni Ayana kanina. Ni hindi na rin namin pa nasabihan sina Ayana, dahil mas nangibabaw ang takot naming lahat.

My NYMPHOMANIAC Secretary. (NOT EDITED.)Where stories live. Discover now