CHAPTER THIRTY NINE

873 19 12
                                    

CHAPTER THIRTY NINE

Dahil sa gusto kong mapag isa muna at kahit na pilit pang nangungulit si Shion na samahan ako sa huli ay hinayaan nya na rin akong mapag isa, paulit ulit nya pang tinanong kung okay lang ba ako, tanging tango lang naman ang naisagot ko. Gusto kong makapag isip isip, isipin kung dapat bang mamili na ako. O hayaan na lang ang sarili kong kalimutan ang isa at bigyan ng pag asa ang isang narito para sakin. Nasasaktan man ay napapikit na lang ako at ninamnam ang isiping bumagabag sa akin, gusto kong mainis. Gusto kong maingit, gusto kong kwestyunin bakit hindi na lang kami hinayaang magkita at I-continue ang lahat, bakit kailangang napakaraming hadlang. Bakit kailangang May panibagong isipin, bakit hindi ko magawang maalala ang sobrang nag papaka bagabag sa isipan ko, ang mga sinabi ni Shion. Hindi yon magawang rumihistro sa isip ko. Tila ba wala iyon sa alaala ko at isa lamang itong gawa gawang kwento, mali man na isipin ko yon. Pero yon ang syang nararamdaman ko'y naisasaisip.

Naupo ako sa isa sa mga bench dito sa clubhouse habang tinatanaw ang ngayon ay paulit ulit na pag bagsak ng tubig sa fountain, pinapanood ang malinaw na liwanag ng buwan. Kasabay non ang sakit na nararamdaman ko, gusto kong balikan ang lahat. maitama ang mga bagay na nagawa ko man noon, gusto kong ituloy ang buhay kasama ang taong mahal ko pero papaano.

"Are you okay?." Ani ng pamilyar na boses dahilan para mabilis kong pahiran ang luha at mas tumalikod kung saan man sya nakatayo. Pero huli na ng bigla ay abutan nya ako ng panyo, panyong May Naka ukit na D&S. Ayoko mang mag assume na pangalan naming dalawa ang ibig sabihin non, pero mas ginusto kong sana nga ay pangalan namin ang kahulugan ng mga letrang nakaburda doon.

"Take this just to wipe your tears." Aniya pa ng hindi ko pa yon tanggapin, sa halip ay pinaka titigan ko lang. Dahil siguro sa pangangawit ay siya na ang nag kusang nag angat ng mukha ko ay banayad nyang pinunasan ang mga luhang patuloy na kumakawala sa mga mata ko. Nanatili akong Naka titig sa kanya, habang panay ang pagluha. Ang mga mata nyang puno ng pag aalala, ang mga matang matagal ng hindi tumitingin sakin. Ang mga matang matagal ng gustong makapantay aking mga tingin. Mga matang madalas ay hirap akong basahin, tila ngayon ay nasasaksihan ko ang sakit na naroroon.

'Dave..'

"Don't cry, makakasama yan sa baby. Shhh." Aniya pa at pinag patuloy lang ang pag pawi sa aking mga luha. Hanggang kailan ba ang sakit na ito, hanggang kailan akong aasa na sana kung panaginip lang ito ay gisingin mo na ako. Na ikaw ang kasama ko, na ako lang ang mahal at nabuntis mo. Tanging tayong dalawa lang Dave, tanging tayong dalawa lang.

Bakit hindi na lang tayong dalawa, bakit kailangang May masaktan? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang?

Ang lahat ng yan ay gusto kong itanong sa kanya, pero hindi ko magawang isa tinig.

Gusto kong malaman ang mga nararamdaman nya, gusto kong malaman kung sino ang mas mahal nya. Na kung ako ba ang pipiliin nya o si Althea parin, pero paano kung hindi ako? Masakit mang isipin pero sobra sobra nung madudurog ang puso ko

"Just please don't cry, ayokong nakikita kang umiiyak." Ani pa nya.

Sa sinabi nya ay para bang binigyan ako ng pag Asang mahal nya parin ako, na ako parin ang gusto n'yang makasama tulad ng mga pangarap namin noon. Ang gwapo nyang mukha ay namiss ko ng sobra, ang mapupula nyang labi. Mga matang pinag halong asul at brown ang kulay nito, maging ang perpektong hulma ng kanyang mga pisngi at panga. Sa kung papaano ko syang minahal bilang Dave na boss ko noon, na ngayon ay ang kababata ko rin pala. Ay sobra sobrang pinalulukso ng katotohanang minahal ko sya bilang Dave na masungit, hindi bilang Dave na kababata ko noon.

My NYMPHOMANIAC Secretary. (NOT EDITED.)Where stories live. Discover now