CHAPTER THIRTY TWO
Hindi talaga kami tinantanan ni Dave sa kakasunod hanggang sa makarating na kami ng Sunshine Resort, Ni hindi man lang sya nag dalawang isip na wag na akong sundan sa halip ay umuwi na lang. Dahil sa matigas ang ulo nya't lahat ay gusto n'yang makuha. Kaya narito Sya at ginugulo ang tahimik ko ng buhay na walang sya ang nag mamanipula, hindi kase ganon kadali para sakin ang nangyari sa pagitan namin. Hindi yon madali.
"Talaga bang hindi mo sya kakausapin?." Bigla ay tanong ni Cy mula sa pag nakaupo namin sa sofa, habang nanonood ng tv. Kanina ko pa rin iniisip ang bagay na yon, pero May kung ano sa sarili kong mas kinukumbinsi akong hayaan na lang ang lalaking yon, tutal naman at isang walang kwentang babae lang naman ako sa paningin nito.
Tinignan ko si Cy, Habang hawak hawak ang isang bowl ng mangga na ipinakuha ko pa kay mang Carding. Iyong katiwala namin sa Resort.
"Kailangan ko pa bang kausapin ang taong ayoko na namang makita?." Deretsong tanong ko. Tinignan nya ako ng May naiinis na tingin. Problema nito.
"Alam mo Sandra napaka sama mo, yung tao nandun sa labas at nag hihintay sa'yo. Hello! Mag di-dinner na at kanina ka pang umaga sinundan nung tao. Wala pang kain yon."
"Kailangan pa bang ako ang magpakain sa kanya? Kasalanan ko bang sumunod sya?." Pang kukwestyon ko kay Cy. Wala akong pakealam kahit buong araw pang hindi kumain yang demonyong yan.
"At isa pa walang nag sabi sa kanyang sumunod sya, May nag sabi ba?." Ani ko pa, nanahimik naman sya. Nananahimik nako't lahat bakit kailangan nya pang manggulo. He started with this, he always push me like I'm a dirty woman for him. Minamata nya ako ng husto, and that's the only reason why am I like this for him. I don't even care, if Sobrang napaka sama ko at this way. Tao lang ako, at hindi ko talaga kayang makalimutan lahat ng panlalait at pang mamata nya sa bagay na sana ay hindi nya ako minaliit sa ganoong paraan. Hindi ako ganoong klase ng babae, ni minsan ay hindi ko nagawang ibenta ang sarili kong puri para lang sa pera. May nangyari man samin noon ay aksidente lang at walang May gusto nun. Pero ang dahilan ko kung bakit ako pumayag noon sa gusto nya, dahil ayokong mawala ang bagay na sobrang pinaka importante para sa akin. Sa aking pamilya.
"Sana Sandra kahit bigyan mo na lang sya ng makakain, hindi biro ang pag-antayin mo sya't parusahan ng ganyan." Ani Cy matapos kong manahimik ng ilang sandali, sinusubukan ata nitong kumbinsihin akong kahit bigyan ang lalaki na yon ng makakain for heaven sakes! Hayst!
"Lalabas na muna ako, hahanapin ko si James. At oo nga pala mag papaganda daw si James Para sa kakainin natin maya maya, kausapin mo na sya."
"Kausapin mo sana sya." Ani nya pa uli, Bago pa man ako makasagot sa sinabi nya ay kumaripas na sya ng takbo, habang ako ay heto at nag iisip kung dapat ko bang gawin ang sinasabi ng babaeng yon. Hayst! Bakit ba kase binibigyan pa ako ng problema ng lalaking to, ano pa bang kailangan nya sakin.
Muli ay tahimik akong nanood ng tv, at halos maburyo ako dahil hindi ko man lang lubos na maunawaan ang pinapapanood, dahil sa labis na pag-iisip kung kakausapin ko pa ba sya o hindi na. Dagdag pa Yong bagay na bigla ay maalala ko ang naging pag uusap namin ni Cy sa kotse patungkol sa kung May period ba ako kung kaya't napaka init ng ulo ko. Halo halo yon na gumugulo ng husto sa isip ko. Hayst bakit nga ba hindi ko na monitor yon. Naalis ang isipin ko sa bagay na yon ng muli ay maalala ang sinabi ni Cy.
"Kausapin mo sana sya."
"Kausapin mo sana sya."
"Kausapin mo sana sya."
![](https://img.wattpad.com/cover/124664511-288-k884193.jpg)
YOU ARE READING
My NYMPHOMANIAC Secretary. (NOT EDITED.)
Romance"MY NYMPHOMANIAC SECRETARY." WRITTEN BY: Arah_Hara/Ara Mae Estrope She's Sandra Chavez Smith, The Richest, Smartest, The Only Child, She's Sexy and she's goddamn HOT!, Owner Or Their Own Companies and Resort Here and out of the country, she's good...