CHAPTER FORTY FOUR

631 13 3
                                    

CHAPTER FORTY FOUR

NAGISING akong sinalubong ng isang matinding pananakit ng ulo, tuloy ay nahirapan akong bumangon. Dahil sa kakaonting kilos ko pa lang ay mas tumitindi pa ang pananakit non, noon ko lang namalayang hindi ko magawang hawakan ang ulo ko. Dahil sa nakatali ang mga kamay at paa ko, subukan ko mang bumangon ay sakit lang ang dulot non sa ulo ko, isang matigas na bagay ang inihampas sa akin. Dahilan para mawalan ako ng malay, naaalala ko ng narito ako para sa anak ko. Muli ay bumugso ang galit at kaba sa loob ko.

"Althea!" Sigaw ko, tila sinadya nilang hindi takpan ang bibig ko. Hibang kana Althea, nahihibang ka ng talaga. Muli ay nangilid ang mga mata ko, natatakot sa kung anong maaaring gawin nya sa anak ko.

'Ang anak ko,please wag ang anak ko.'

"n-nasaan ang anak ko, pakiusap ako na lang wag ang baby ko althea." Pag mamakaawa ko, ngunit iba ang kanyang naging tugon, ang kaninang matamis na ngiti nya at parang anghel na mga titig ay napalitan ng blangko ngunit may galit na sulyap sa akin, nag simulang umigting ang panga nito kasabay ng napupuyos na ngisi.

"Nasaan ang anak mo? Nag papatawa kaba? Wala naman sya dito may nakita ka ba? O maski narinig na iyak?." Noo'y lumapit sya sakin at muling nag salita pero sa pagkakataong yon ay pabulong na.

"Siguro ay nakalimutan ko, di kaya ay itinapon ko. Pwede rin namang nilason ko."

"Hayop ka althea! N-nasan ang anak ko, baliw ka! Baliw kana!." Mabilis na nag uunahang kumawala ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko, nanginginig na tinignan ang babaeng nasa harapan ko. Tangging nararamdaman ko lang sa mga oras na ito ay takot at galit, takot na baka mawala sakin ang anak ko. At galit kapag may nangyaring masama sa baby ko na wala ni isang kasalanan sa babaeng kaharap ko, di ko mapapatawad ang sinuman maski na ako kung hindi ko na masisilayan pang muli ang mga ngiti ng baby ko. 'Diyos ko wag po ang anak ko, pakiusap.'

My NYMPHOMANIAC Secretary. (NOT EDITED.)Where stories live. Discover now