CHAPTER THIRTY ONE:
Sandra's POV:
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang hinayaan ni Sam na makapag paliwanag yung tao, alam kong nasasaktan din sya tulad ni Sam dahil yon ang nababasa ko sa mga malulungkot na mga mata ni Jake alam kong hindi nya talaga ginusto ang lahat. At alam ko rin na oo mahirap ang mag patawad lalo na't sobrang nasaktan noon si Sam mula nung iwan sila ni Jake which is hindi naman talaga nito ginusto. Nasakyan si Sam pero sana kahit sandali ay nagawa nya munang bigyan ng pag Kakataon si Jake na mag paliwanag, wala naman ako sa posisyon para makealam. Tanging awa lang ang syang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Umalis na si Jake at nangakong babalik din. May kailangan lang daw kase s'yang asikasuhin, hanggang sa pag alis nya ay naluluha parin sya. Narinig ko pa kina tita na mag isa na lang s'yang namumuhay, mula ng umalis sya sa poder pansamantala sa mga magulang. Iyong babae naman na ang pangalan ay stacy ay hindi na naman daw nang gugulo pa, tanging panahon na lamang ni Sam ang hinihintay para sa paliwanag nya. Hanga ako sa istorya nilang dalawa, mahal nila ang isa't isa. Pero ang isa ay nakakulong sa matinding galit sa nagawa ng isa at yung isa naman ay patuloy na umaasang maisasaayus pa ang lahat.
"Sam. Kamusta na ang pakiramdam mo?." Tanging tanong ko ng mapag pasyahan na lapitan sya, narito parin si Shion pinili nya kaseng manatili muna sa ospital, anuman ang dahilan nya ay hindi ko alam. Tinignan ako ni Sam, kahit hindi nya sabihin ay alam kong nalulungkot sya sa mga oras na ito.
"there's Something bothering you?." Tanong kong muli. Sinagot nya lang yon ng iling.
"Nagugutom Kana ba? Kumain ka muna habang hinihintay pa natin ang baby mo, hindi ko inaasahan na matapos mong manganak ay gising ka pa." Ani ko habang natatawa.
"Siguro ay masyado lang akong excited na makita ang anak ko." Tukoy nya kay Jathana. Muli ay napa Isip ako, saan nya nakuha ang pangalan na yon.
"Jathana ang pangalan nya tama? Saan mo nakuha yon?." Pag uusisa ko.
"Ah yun ba, pangalan yun na pinag dugtong." Pinilit ko pa sya kung kaning pangalan, pero hindi nya yon sinagot. Sa halip ay iniwas nya sa topic at pinalitan ng ibang tanong hinayaan ko na lang naman. Dahil ayoko namang maging mausisa, hindi ko ugaling mangulit.
Mag gagabi na at kailangan ko ng umuwi muli kase akong nakaramdam ng hilo, kaya naman agaran akong nag paalam kina Sam at hindi na nahintay pa ang pag dating ng bata sa Kwarto kung saan mismo naroon sya. Umoo naman sila kaya umuwi na ako, ganoon din si Shion na sumabay na rin naman sakin gamit ang kanya kanya naming kotse ay napagpasyahan na naming umuwi. Gusto pa sana nyang mag dinner kami pero tinanggihan ko dahil kako sa masama ang pakiramdam ko, sinabi nya naman na ano daw ang masakit dapat nag sabi ako para naasikaso ako sa hospital pero sinabi ko na lang na pagod lang to at wag syang mag alala.
Naging maayus naman na si Sam at ilang araw lang ay makakauwi na rin sila ng baby nya, panay ang suyo ni Jake para lang maibalik ang tiwala ni Sam at paniwalaan naman sya nito sa totoong nangyari. Hindi ko talaga masisisi si Sam nasaktan sya, at karapatan nyang magalit ng sobra. Pero hinding hindi ako madadaya ni Sam dahil kitang kita ko sa mga mata n'yang gusto na nyang pakinggan ang paliwanag ni Jake.
Pilit din syang kinakausap nila Tita, maging si Cy ay naging Saksi pa. Malapit na at konting suyo na lang ay maniniwala din sya. Masaya ako para sa kanya, lalong lalo na't sa lalong madaling panahon ay magiging buo na silang pamilya. Ang sama ng pakiramdam ko ay paudlot udlot minsan pang nahihilo ako at para bang kinatatamaran ang pag bangon, ang bagay na yon ay binaliwala ko lang. Sa halip ay nag Paka busy sa maliit kong negosyo, hindi iba sakin yon sa pagkat dalawa naman kami ni James ang nag aasikaso nun. Si Dave ay panay din ang punta sa Mansyon ko, wala naman akong oras para kausapin sya dahil sa naaalala ko nanaman ang bawat panglalait nya, minsan pang nag papadala Sya ng mga bulaklak at chocolate. Bagay na sa mga maid ko na lang naman pinapakain at ang bulaklak ay pinapatapon ko kaagad. Dahil ayokong makakita ng anumang konektado sa kanya.
YOU ARE READING
My NYMPHOMANIAC Secretary. (NOT EDITED.)
Romance"MY NYMPHOMANIAC SECRETARY." WRITTEN BY: Arah_Hara/Ara Mae Estrope She's Sandra Chavez Smith, The Richest, Smartest, The Only Child, She's Sexy and she's goddamn HOT!, Owner Or Their Own Companies and Resort Here and out of the country, she's good...