WOLF CRY 3

44 6 4
                                    

continuation ...

ZETH'S STORY

Paunang sambit ng dalaga.

"Si abyss? "

Muling ulit ni Zul sa kanyang tinuran.

"Libong taon na ng mawala si Abyss. At hanggang ngayon ay di pa rin pala sya tumitigil sa kanyang mga kasamaan"

"Opo ginoo, Sya ang may kasalanan kung bakit ako nakulong sa loob ng nakasaradong silid"

Tumahimik sa buong paligid ng bulwagan, naghihintay ang lahat sa mga susunod na isasalaysay ng dalaga.

"Sinubukan Kong lumabas sa silid na iyon ngunit isang malakas na boltahe ng enerhiya ang bumalot sa pinto at durungawan ng buong silid kaya't Hindi ko ito magawang lapitan. Hanggang sa isang nagliliwanag na bato ang bumungad sa aking harapan."

Muli nag liwanag ang batong nasa noo ng dalaga. Takot at pagka mangha ang bumalot sa buong lugar nang makita ng mga ito ang Jadeite na nagliliwanag sa kanilang harapan.

"Kaawa awang Zeth"

Sambit sa kanyang sarili ni Zul.

"Ginoo? Maaari nyo po bang ipaliwang ang bagay na ito? Labis ang enerhiyang aking nararamdaman sa buo Kong katawan"

Pagmamakaawa ng dalaga. Napa iling ang Pinuno ng mga Cielo sa kanyang katanungan.

"Ipagpauman-"

"HIHIHIHIHIHIHIHIHIHIHIHIHI~"

Naputol ang sasabihin ni Zul ng isang hagikgik ng isang babae ang nangibabaw sa buong bulwagan

"ABYSS"

sigaw ni Zeth

Muling naglagablab ang dalaga , ramdam ng lahat ang kanyang galit.

"Lumabas ka Abyss!"

Paghahamon ni Zeth.

"Magaling .. Magaling "

Sambit ng isang Tinig na paikot ikot sa buong paligid.

"Tunay ka ngang matapang Zeth , alam Kong mapapakinabangan kita sa aking pag babalik hahahahaha"

Kasabay nang malakas na pag halakhak ni Abyss ang kanyang pag laho.

*EUSUYA'S POV*

"Matapos nang kaguluhang iyon ay bumalik na rin sa normal ang pamumuhay ng mga Cielo. Simula noon ay wala nang naging balita ang mga Cielo sa kaawa awang dalaga , nag pakalayo layo ito at di na muling nakita pa. The end "

"AYUN NA YON ???"

Pag rereklamo ng aking Kapatid na si Raven. Natawa ako ng makita ang dismayado nitong mukha

"Haha ano bang gusto mong ending ? Pang ilang beses ko na bang naikwento sayo si Zeth ? Umaasa ka pa rin bang madadagdagan ang kwento nya? Hahahaha "

Pang aasar ko sakanya.

"Syempre naman oo "

Sagot nya sabay ngumuso ito na parang inagawan ng candy.

"Hahahahaha Matulog ka na nga at wag mong masyadong dibdibin ang kwinento ko sayo "

Pinitik ko ito sa noo dahilan nang kanyang pagkapikit, saka ko inayos ang higaan namin.

"Matulog ka na "

Utos ko rito, saka sya kinumutan at binigyan ng isang halik sa noo.

"Goodnight Rei, love ka ni Kuya"

Bulong ko rito habang dahan dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata.


"Goodnight Kuya, I love you too"

Sagot nito habang nakapikit at may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Umupo ako sa bandang uluhan ng kama at saka hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng aking kapatid , saka ko ito kinantahan ng kanyang paboring kanta hanggang sa tuluyan na itong nakatulog.

Di kalaunan ay dinalaw na rin ako ng antok kaya tinabihan ko na rin ang aking kapatid sa pag tulog.


WOLF CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon