WOLF CRY 6

39 6 0
                                        

*GELUA'S POV*

"KUYA!"

Kinabahan ako ng marinig ang sigaw na iyon ni Raven.
dali dali Kong pumasok sa likod ng bahay, halos malaglag ang aking panga sa aking nakita, ubos na ang buong bahay, sira sira na ang bawat haligi, rinig din ang takbuhan ng mga tao sa labasan na papalikas nang bayan.

"BITIWAN NYO ANG KUYA KO!!"

napawi ang aking kamalayan nang muli Kong marinig ang galit na galit na boses ni Raven.

"L-lua , b-bakit n-nan d-dito pa ka- kayo"

halos Hindi ko matignan ang kaibigan Kong si Eusuya dahil sa kanyang kalagayan, duguan , gula gulanit ang damit at puro galos ang katawan.

"Kuya!!!!!!!"

Dali daling nagtatakbo si Raven papalapit sa kanyang Kuyang nakahandusay sa sahig.

susundan ko sana ang bata ng bigla Kong naramdamang may himiklat sa aking balikat at saka ako tinapon papalabas.

"argh~ Rav-en!"

utal na sigaw ko ng tumama ako sa isang poste ng kuryente , sinubukan Kong dahan dahang tumayo ngunit di ko pa man naiaangat ang aking katawan ay may isang napaka bigat na paa na dumagan sa akin na halos dumurog sa aking likuran. wala akong magawa kundi ang pag masdan na lamang ang magkapatid na magkayakap Habang napapalibutan ng mga lobo.

"arghh-aaahhhh"

sigaw ko ng lalong idiniin ng lalaking lobo ang kanyang mga kuko sa aking likuran. Ramdam ko ang bawat kuko nitong bumabaon sa akin.

"Hindi ka na kase dapat nakialam"

Rinig ko pang sabi ng lobo sakin Habang lalo nitong dinudurog ang buto ko sa likuran.

"Hi-Hindi man ng-ngayon a-alam k-kong m-mag babayad k-kayo sa g-ginagawa n-nyo, mga hayop!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Halakhak ng lobo sa akin.

"mang mang .. mamamatay na kayong lahat maya maya lang, isang kahibangan ang sinasabi mong pag hihiganti"

Hindi na ko makasagot pa dahil sa hirap na kong huminga ilang minuto pa ay tuluyan na kong nawalan ng malay.

*300 YEARS LATER*

*THIRD PERSON'S POV*

Malamig ang simoy ng hangin , nag babadya ito ng paparating na ulan ..

Sumabay sa ihip ng hangin ang Humahalimuyak na amoy ng dugo ng isang halang ang bituka.

"Tulong!!!!"

Isang lalake ang walang tigil sa pag takbo habang naliligo ng dugo ng kanyang mga biktima , walang tigil sa pag sigaw at pag hingi ng saklolo

"Aaaaaaaah!!! Halimaw!!"

Isang Palahaw ang umalingawngaw sa pasilyo ng abandonadong Gusali

Tila nabulabog ang mga tao na abalang tinatahak ang kanilang daan pauwi habang palalim na ng palalim ang gabi.

WOLF CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon