*AORI'S POV*
6:00
Saktong alasais ng umaga akong umalis ng bahay para pumunta Kay Raven, ilang oras din ang byahe ko mula saamin
Masaya kong niyakap ang dala kong bag at pumikit na may ngiti saking mga labi.
Nakakasigurado akong matutuwa sya sa balitang dala ko.
Naka tanggap kase ako ng imbitasyon mula sa Sanctum, ang ibig sabihin ay naka pasa ako sa screening noong isang buwan, kagabe lang dumating sakin ang folder na hawak ko ngayon, halos di ko masukat ang sayang nararamdaman ko' napapangiti ako at hindi ko yon mapigilan.
Sana sya din ay nakapasa.
Sabay kaming sumubok ni Raven sa pag kuha ng exam sa Sanctum, dalawa ang bahagi ng eksaminasyon, una ay ang written exam na umabot sa 350 tanong at ang pangalawang bahagi naman ay practical exam kung saan susukatin ng mga panel na naka assign sayo ang kakayahan ng Mystq na hawak mo.
Para sakin mas mahirap ang practical exam kaysa sa written exam dahil sa oras na hindi mo naipasa ang practical exam ay wala ka na talagang pag asa pang maka pasa. Mataas ang standards ng mga panel lalo na sa pag bibigay ng puntos sa bawat Mystq ng mga estudyante, sa pagkaka alam ko ay hindi hinahayaan ng tagapangasiwa ng Sanctum at ni Lockhart na namumuno sa Guild ng Isthmus ang magkaroon ng mga estudyanteng may pare parehong Mystq kaya kung titignan ang kanilang panuntunan upang maka pasa ay dapat may kakaiba talaga sa kakayahan mo bukod sa nakararami.
Masaya ako dahil mapapabilang na ako sakanila.
at sana ay sya din.Hindi ko na namalayan na sa sobra kong pag iisip ay nasa tapat na pala ako ng bahay nila Raven. Walang katok katok ay agad akong nagtuloy sa pag pasok sa gate nila dahil alam ko namang malayo palang ako ay amoy na ko agad ni Miel.
Bago pa man ako makapasok ay may naka agaw muna ng aking pansin.
Isang Itim na envelope ang aking nakita na naka lapag sa doormat na nasa tapat ng pinto, lumingon lingon pa ako sa paligid nagbabakasakaling makita ko pa ang taong nag lagay non doon ngunit walang bakas ng sino man ang nahagip ng aking paningin.
Ibinaba ko ang aking mga dala saka dahan dahang yumuko upang pulutin ang envelope.
Nanlulumaki ang aking mata nang mabasa ko ang naka sulat sa harap ng envelope
~**~ CONGRATULATIONS
MS. RAVEN ASPREC ~**~Ayan ang naka lagay sa harapan ng envelope hindi na ko nag atubili pang pumasok sa loob masyado akong excited ibalita Kay Raven ang mga hawak ko ngayon.
Agad kong tinulak ang pinto nakita ko pang nagulat si Paps at Miel sa pag pasok ko haha.
"GOOOOOOOOOOOODMORNIIIIIING!!!!!!!"
Sigaw ko sa buong bahay. wala akong pakialam kahit maingayan sila, masaya ako e bakit ba ? haha
"Hi Paps ! "
Lumapit ako Kay Paps na sya ring ang ganda ng ngiti sakin saka ako nag mano
kinawayan at binesohan ko naman si Miel"Si Rae ?"
Naka ngiting tanong ko maya maya pa ay naka rinig na ko ng mga yabag sa hagdan ang bonsai pababa na haha
"OMG!!!!!!!!"
Sinalubong ko ito sa hagdan balak ko pa sana itong yakapin pero mukang mananapak ang aura ng Lola nyo kaya binigyan ko nalang sya ng isang matamis na ngiti

BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Fantasy"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...