*BECCA'S POV*
"WOOOOOOOOOAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!!!!!!!!"
Halos mabuwag ako sa aking kinatatayuan dahil sa malakas na hiyawan ng mga estudyante nang bigla nalamang kaming nag balik sa aming silid aralan.
Nag balik man kami sa aming mundo ay tila binaon naman ng bawat isa ang mga natamo nilang pinsala.
Gawa ng kagalakan ay tila di alintana ng mga ito ang mga sugat na natamo mula sa mga halimaw.
"Aaaaaahhhhh-huhuhuhu!!!!"
Malakas na atungal ng isang babae. Duguan ito at mukha pang naputulan ng isang braso. Nag mamadaling tinulungan ng mga estudyante ang babae itinakbo nila ito papalabas ng silid, ngunit hindi sa kanya natuon ang aking atensyon kundi sa babaeng nakasalampak sa sahig na wari mo'y nakatitig sa kawalan.
Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinititigan. Isang lalake na halos magsalubong na ang kilay ang nakatitig rin dito.
Hindi ko gaanong maaninag ang mukha ng lalake dahil sa mga estudyanteng nag papa balik balik saking harapan at maging sakanila."Hawthorne!"
Napa lingon ako kay Raven ng tawagin nya ang kaibigan. Madungis ito at may ilang sugat rin sa katawan ngunit tulad ng iba di nya rin iyon alintana.
Napangiti ako ng bahagya ng makita ko kung paano nyang hilahin patayo si Ao, bakas sa dalaga ang pagka inis dahil sa ginawa ng kaibigan.
"Mga babae!"
Magiliw na bati ko sakanila ng maka lapit ako sa kanilang pwesto. Nginitian at tag isang tapik sa balikat ang kanilang tugon.
"Ano yan Ao?"
tanong ko habang nakaturo sa kanyang hawak na naka balot sa kanyang kapa, ngunit bago pa ito maka sagot ay nanlumaki muna ang mga mata nito sa pagka gulat.
"Oh! Shit! Yung braso nung babae!!"
Matapos non ay kumaripas na ito ng takbo papalabas ng silid naka salubong pa nga nito si Hella na kasalukuyang papasok naman dito samin dahil don ay nag sipag ayusan ang lahat. Wala nang oras upang ayusin namin ang pila na naka batay sa aming function kaya kung saan man kaming natapat na hanay ay doon nalamang kami pumila, nasa likuran ko si Raven.
"pffft... "
Nilingon ko sya matapos marinig ang kanyang impit na hagikgik.
Napa iling nalang ako ng makita Kong pulang pula na ito.*CLAP*CLAP*CLAP*
"Congratulations Neophytes ! "
Ani Hella , saaming lahat.
"Jag vet att de flesta av dig på baksidan av dina små huvuden förbannar mig just nu på grund av vad som hände tidigare men helvetet jag bryr mig inte om det här är min klass och om du vill skicka det gör du dig själv bättre, starkare och bättre, men för nu sedan du gjorde en inte så dålig kamp, lät jag dig alla vila och göra dig redo för vårt nästa möte."
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Fantasy"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...