WOLF CRY XV

21 2 0
                                    

*AORI'S POV*

~ KINABUKASAN ~

Napa kislot ako ng maramdaman kong may tumatalsik na tubig saking mukha. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata , Unang dumapo ang aking paningin sa orasan na katapat ko lang.

4:30

Nagkusot pa ko ng mata bago lingunin ang nasa kabilang gilid ko. Bigla ang bangon ko ng makita kong naka ayos na si Raven. Pinasadahan ko ang kasuotan nito kahit likod nya lang ang nakikita ko, ramdam kong nag arkuhan ang kilay ko ng makita ko ang kabuuan nya.. Black na sleeveless, fit na fit na black leggings na talaga namang ipinakita ang korte ng katawan nya, at combat shoes na kapag naman talagang tumama sayo ay paniguradong sabog ang kalamnan mo. Mukhang seseryosohin nya ang huling pagsusulit. handa na syang maka pasa.

Napa ngiti ako sa aking naisip, Buo talaga ang loob ni Raven na maka pasok sa Sanctum.

"Sorry nagising ba kita?"

Tanong nito sakin habang ang paningin nya ay nakatuon pa rin sa salamin.

"Goodmorning , ayos lang baka iwan mo pa ko kung di ako nagising haha"

Biro kong sagot dito. Nakita ko lang itong umiling habang patuloy sa pag susuklay sa mahaba nitong buhok.  Bumangon na ko at nag deretso sa banyo.

"Gatas?" Alok nito sakin bago pa man ako maka lagpas sa kanya.

"Pagtapos ko na , Kumain ka na ba ? "  Tanong ko rito. Nag taas lang ito ng balikat sakin

"Sabay tayong kumain ha?"
Dagdag ko pa na may kasamang pag ngiti.

Tinanguhan nya lang ako at inumpisahan na ang pag rolyo ng itim rin na tela sa kanyang kamao hanggang makarating ito sa kanyang braso.

Tinungo ko ang maleta ko at hinugot ang damit na susuotin ko. Hindi na ko nag tagal pa sa loob ng banyo tulad ng nakasanayan, agad akong naligo at nag tooth brush. Paniguradong mababagot ang isang yon kapag ginawa ko pa ang siremonyas ko at hindi maganda yon para sakanya lalo na't eto na ang araw ng pinaka hihintay namin.

"Breakfast is ready, Ms. beautiful"

Saktong pag labas ko sa banyo ang paglingon ni Miel sa gawi ko na kasalukuyang itinitirintas ang buhok ni Raven.

"Hanggang ngayon pa rin ba ? "  Natatawang tanong ko habang naka tingin sa dalawa na nakatapat naman sa salamin.

Hobby ni Miel ang pag aayos ng buhok. kaya sya ang hairstylist ni Rae mga bata palang kame. Ayoko ko kaseng hinahawakan ng iba ang buhok ko kaya hindi ako ang napag tri tripan nya haha.

"There you go" Maganda ang ngiti ni Miel pagtapos ayusin ang buhok ni Rae. Matagal pa munang tumingin si Rae sa salamin at inusisa ang itsura ng kanyang buhok bago ito humarap samin.

"You're the Best Hey" Tinapik tapik nito ang balikat ni Miel at saka binigyan ng isang napaka gandang ngiti. Nakita ko namang ngumiwi lang si Miel sa ginawa nya. Kala mo diring diri sa kanyang nakita.

Mga abnoy.

"Let's go ? Paps is waiting "

Tumango ako at sumunod sa pag baba ng dalawa. Bago pa man ako maka labas ng kwarto ay may nahagip na anino ang aking mga mata sa gawing bintana. Tumitig ako ron ng maigi para aninagin ang nasa labas ngunit tanging puno lang ang aking nakita. Maaring namalikmata lang ako, Saka ko tuluyang dumeretso sa dining area. Naka upo na ang lahat at ako nalang ang hinihintay.

WOLF CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon