*AORI'S POV*
Kita ko ang pagbilog ng mata ni Raven habang naka titig sa dalawang lalakeng kasalukuyang naka luhod sa kanyang harapan. Nangibot ang kanyang labi na akala mo ay nag hahanap ng salitang sasabihin dahil sa kanyang nakita.
Pawang naka yuko lamang ang dalawa at walang ni kibo sa kanila pulos naka itim ang mga ito tulad rin ng kasuotan ni Rae.
Natawa ako saking isip ng palihim kong pasadahan ang kabuang itsura ni Raven na kasalukuyang naka suot ng uniporme ng Sanctum.Purong itim din ito. Kung tutuusin ay parang katulad lamang din yon ng suot nya nya ng umalis kami ng bahay kanina. Ang iniba lang ay ang damit. Hanggang tiyan lamang ito ni Raven kaya kitang Kita ang kanyang pusod na may piercing?
Nangunot ang noo ko ng makita ang piercing na iyon. Kailan pa nya naisipang mag palagay ??
Dahil mukang tanga ang kaibigan ko ay wala pa rin itong kibo sa dalawang lalakeng naka luhod sakanyang harapan.
"Hoy Asprec !" Inis kong bulong dito sapat para marinig nya. Kunot noo naman akong nilingon nito saka binigyan ng isang makahulugang tingin.
"Ano yang nasa pusod mo? " Gigil kong puna rito.
"Tsh. Style yan" Mayabang nitong sagot sakin. Wala akong maisip na sagot sa bruha kaya minabuti ko nalang na kalmahin ang sarili ko.
ABNORMAL!
Nang ibinaling ko ang pansin sa buong paligid ay napansin kong bumukas ang bawat pintong maaaring labasan at pasukan sa malaking silid na ito. Nanlaki ang aking mata at talaga namang napaupo ako ng makita ko ang unti unting pag pasok ng mga Senior. Naka handa ang bawat isa Ang mga Keepers ay hawak hawak ang kanilang mga armas. Ang mga Mage naman ay kanya kanya rin ang nakikita kong aura dulot ng kanilang kapangyarihan. Hindi yon pansin ng lahat maliban sakin dahil naka pako ang kanilang tingin sa babaeng kumakanta sa taas ng entablado.
Kailan pa sya nagumpisang kumanta ?? Sa itsura palang ng mga estudyante ay mukang napasailalim ang mga ito sa isang hipnotismo. Maging si Becca, Raven at ang iba pa naming kahilera at pawang mga naka tulala na lamang sa harapan. Ibinalik ko ang Tingin Kay Raven naka luhod na ito sa sahig ngunit walang nag bago sa kanyang reaksyon. Tulala at nananatiling blangko ang kanyang mga mata. Ang dalawa namang lalaki na kanina lang ay naka luhod sakanyang harapan ay sila ngayong naka bantay sakanya habang naka tayo at naka tutok ang kanilang mga armas sa kanyang likuran.
"Shit ! "
Mahinang bigkas ko sabay ng pagbilis ng kabog ng dibdib ko.
"IIIIIIIIIIIIT'S SHOWTIME !!!!!!!!"
Napa tingala ako sa narinig kong iyon. Sa ikalawang palapag nag mula ang boses ng lalaking sumigaw.
Naguguluhan man ngunit agad ko ring inihanda ang sarili.
"ZALNIA !"
Sigaw ko saking isip. Hindi naman ako nabigo, wala pang ilang segundo ay nasa tabi ko na si Zalnia.
"Mukang ikaw lang ang hindi tinablan ng hipnotismong iyon Hawthorne , Bingi ka kase hahahahahahahaha"
Paunang salita nito saking harapan. Nakaka inis! kung hindi ko lamang sya kailangan sa mga ganitong pagkakataon ay hinding hindi ko sya tatawagin.
"Tumahik ka at isabay mo sa pagtahimik ang babaeng yon"
Sabay turo sa babaeng patuloy pa rin ang pagkanta sa harapan.
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Fantasy"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...