*RAVEN'S POV*
"ASPREC!!!!!”
Napa pikit ako sa ng marinig ang matinis na boses ni Becca.
Nilingon ko siya saka pinanglakihan ng mata. Sa itsura palang nya ay mukang di nito nakuha ang Ibig kong sabihin sa ginawa ko. Dahil patuloy lang ito sa ginagawa nya. Kumakaway kaway ang isang kamay sakin habang ang isa naman ay may hawak sa kanyang likuran. Itinabingi ko ang ulo ko para sipatin kung sino ang kasama. Si Ao pala na halos kaladkarin nya na. Muka kaseng malayo ang iniisip nito at sa iba pa naka tingin.
Tumaas ang kilay ko ng sundan ko ang tinitingnan nya.Napa lingon ako sa katabi ko na kanina ko pa gustong ibalibag sa labasan dahil sa kakulitan.
" Happy Piiiiiiiiilll pansinin mo na kooooooo "
Patuloy na pangungulit ng katabi ko sakin.
"Pwede ba? tantanan mo nga akong ugat ka tsh .. " Inis kong sabi rito.
"Hoy! maka ugat ka naman dyan ! " Nang laki ang mata nya habang sinasabi yon, kumikibot kibot pati ang kanyang mga labi. Napa iling nalang ako saka bumaling saking mga kaibigan.
"Congrats" Bati ko kay Becca at Ao ng makarating sila sa tabi ko. Mukha namang walang narinig ang dalawa dahil sa iba naka tuon ang atensyon nila.
"Kilala mo?"
Rinig kong bulong ni Becca kay Ao na halos gilitan na ng leeg ang pinagtatapunan nito ng masamang tingin. Inilingan lang sya nito bilang tugon.
"Hey!" Nilakasan ko ang boses ko para makuha ko ang atensyon nilang dalawa. Napintag naman ang mga ito at parang mga gulat na tumingin sakin.
"What the hell?"
Tanong ko pa ng hindi man lang nag salita ang dalawa.
"M-Mag kakilala kayo?"
Napa ngiwi ako sa itsura ni Becca. Halos magningning ang mga mata nito habang naka turo sa katabi ko.
"No/Yes"
Nagkatinginan pa kami ng sabay kaming sumagot sa tanong na yon ni Becca. Kunot noo ko syang tinignan. Saka pinanglakihan nang mata.
"Have a sit Ms. Hawthorne , Ms. Pelizer"
Nawala ang atensyon nila sakin nang biglang may nag salitang
babae mula sa likod namin.Hindi sinasadyang mailibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Halos karamihan sa mga babae ay naka tingin sa gawi namin, dahil siguro sa katabi ko.
"We meet again "
May pag ka Presko ang pagkakasabi nito kaya alam kong hindi ako ang kausap nya Nilingon ko sya para makita kung sino ang kausap nya
Si Ao pala na hanggang ngayon ay kunot noong naka tingin pa rin sakanya.
"Attention Sanctians please be all seated, we will start in a few minutes"
Binawi ko ang aking paningin sakanila at itinuon nalamang ito sa harapan. Purong bulungan lamang ang aking naririnig, lahat ay masaya sa pag kapasa nila. Maski naman ako ay masaya rin, at di ko rin inaasahan na isa ako sa mga mangungunang makatapos sa
pag susulit nilang ito.Napapikit ako at nag pigil ng tawa ng maalala ko kung paano ako nakarating dito ng walang kahirap hirap.
~* FLASHBACK *~
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Fantasy"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...