P A U N A W A !!!!
ANG ANO MANG SALITA O PALIWANAG SA BAWAT DEPENISYON AY LIKHANG ISIP LAMANG NG MANUNULAT NA SI KIRYU O KUNDI MAN AY GALING ANG IBA SA DIKSYUNARYO. ITO AY PARA SA IKA AAYOS NG KANYANG ISTORYA, SA BAWAT BAGONG SALITA NA KANYANG BUBUUIN O GAGAMITIN AY KANYANG ILALAGAY SA PAHINANG ITO. ANG PAGKAKAPAREHO NITO SA IBA AY PAWANG AKSIDENTE AT HINDI INAASAHAN , TAMANG PATNUBAY, GABAY AT PANG UNAWA SA SARILI ANG KAILANGAN ❤❤
-Ate Ki
-------------------------------------------------
MYSTQ (mistik) - Tawag sa mga kakaibang kakayahan ng mga Holders
(eg.. Shape shifter)HOLDER - Tawag sa mga taong may Mystq.
SANCTUM - Isang pribadong isla na matatagpuan sa kalagitnaan ng karagatan. Nag sisilbing training ground at Paaralan ng mga mahuhusay na Holder,Keeper at Mago, ito ay nahahati sa tatlong Function. Ang Isthmus, Warlock at Talisman.
ISTHMUS - Dito nahahanay ang mga Holder na nag tataglay ng mga natatanging Mystq na wala ang karamihan.
MAGO/MAGE - Tawag sa mga taong nagtataglay ng mahika. ito ay naiiba sa mga Holder na may roon lamang partikular na kakayahan. Ang mga Mago ay
maraming kayang gawin ang isang mago ay katumbas ng sampung may iba't ibang Kakayahang Holder.WARLOCK - Dito nahahanay ang mga Mago kung saan hinahasa at pinag iigi ang kakayahan ng bawat isa.
KEEPER - Tawag sa mga taong may hawak ng mahihiwagang hiyas, karamihan sa kanila ay gumagamit ng armas at doon nila inilalagay ang kapangyarihan ng kanilang hiyas.
TALISMAN - Dito nakahanay ang mga Keeper kung saan ang bawat isa ay nag mamay ari ng mga kakaibang armas pang laban. Sa Guild na ito hinahasa ang husay ng bawat isang keeper upang pag isahin ang kanyang sarili at ang kanyang armas.
(PAALALA: Halimbawa, KUNG ANG ISANG ESTUDYANTE AY GANAP NG HOLDER HINDI NA ITO MAAARING MAGING ISANG KEEPER O MAGO, ISA LAMANG SA TATLO ANG MAAARI NILANG HASAIN SA LOOB NG SANCTUM)
ARAPESH - Ito ay nangangahulugang Sugod
ESPÉR- Tawag sa taong mayroong pinaka mataas na posisyon sa buong Sanctum.
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Fantasy"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...