*AORI'S POV*
Walang sali salita at purong makahulugang tingin lang ang ipinukol namin sa isa't isa ni Zalnia. Ayaw ko man syang tawagin ngunit kailangan, alam kong matutulungan nya ko sa ganitong pagkakataon lalo na't masyado na kong huli para mag umpisa.
Namalayan ko nalang ang aking sarili na tinatangay nito, kapwa kaming naka patong sa tubig. Pero di tulad ko , ang ibabang bahagi ng katawan ni Zalnia ay binubuo lamang ng usok.
"What the hell!!"
Sigaw ng Mage na naalpasan ko.
"Amazing !" Rinig kong muli sa isa namang holder na katulad ko. Marami pa rin akong naririnig na nag kokomento matapos ko silang maalpasan lahat, pero wala na akong pinansan maski isa.
Sa mata ng nakararami ay tanging ako lang ang kanilang nakikita na naka patong sa tubig na di kalaunay kapag natapatan ko ay may mabubuong yelo, lingid sa kaalaman ng mga ito ang presensya ng aking kasama.
Ang usok na nag mumula kay Zalnia ang syang nakapag bibigay ng kakaibang temperatura sa tubig na nadadaanan ko dahilan nang pagyeyelo nito.
"Look who's coming" May malanding tono ang pagkakasabi nito.
Hindi ako lumingon bagkus nag deretso ako kung saan ang dereksyon ng Isla. Ngunit pilit kong inaninag sa gilid ng aking mga mata kung saan naka tingin si Zalnia. Napa ikot ako ng Hindi inaaasahan, maski si Zalnia ay nagulat sa aking ginawa. Napa atras ako saking pinagkakatayuan, dahilan nang pag lawak nang yelo sa paligid. May lalaking tumatakbo sa ibabaw ng yelong naiiwan ko , Mukhang galit ito.
Ano naman kaya ang atraso ko sakanya ?
Hindi ako kumilos sa pinagkakatayuan ko at hinayaan ko syang mapalapit sa aking pwesto. Ilang dipa nalang ang layo namin sa isa't isa.
"Sino ka?"
Tanong ko, Nakita ko itong nag taas ng tingin sakin , habang nagdahan dahan nang kanyang pag takbo hanggang sa maging normal na lakad na lamang ito.
"tsk!"
Palatak nito. Papalapit nang papalapit na sya saking kinatatayuan.
"Masyado kang mayabang !!!!!!!!!!!!"
Sigaw nya habang muling papatakbong lumapit sakin. Umatras akong muli saka pumorma sa pag salag ng kanyang pag atake. yumuko ako at ikinuyom ang aking kaliwang kamao.
A lil' bit closer.
Hinihintay ko ang kanyang tuluyang paglapit bago ako naman ang umatake.
*Kreeeeeeeeeeeeeeek*
*SPLAAAAAAASSSSHHHH*
Binggo
Tumunghay ang isang ngiti sa aking labi ng makita ko ang pag bitak ng yelo dahilan ng pag suntok ko rito. Swabe ang naging pag bagsak ng lalaki sa tubig. Sigurado akong Hindi sya nasaktan. Matapos non ay Nag patuloy na akong muli sa pag tungo sa Isla.
Kaliwa't kanan sa aking dinaraanan ang nakikita kong nag lalaban laban.
Kasama ba ito huling pagsubok ?
Napa hinga ako ng malalim at hinayaang ang sarili ko mismo ang sumagot sa pang estupida kong tanong.
Malamang , Kailangan yon, dahil mas magiging malaki ang tyansa naming makarating agad sa lugar na yon kung gagawa kami ng paraan para maantala ang iba pang kalahok.
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Фэнтези"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...