WOLF CRY 5

46 6 6
                                    

*GELUA'S POV*

Puno ng pag hihinagpis ang buong bayan. Mukang bawat isa sa pamilyang narito ay nawalan ng minamahal.

Nandito ko ngayon sa Plaza kasama ng iba pa .

Napagpasyahan ng mga taong bayan na pagsama samahin ang mga labi ng mga batang namatay upang mabigyan ng isang maayos na libing bago tumungo sakanilang huling hantungan.

Kaawa awa.

Samu't saring pangalan ang isinisigaw ng mga kababaihan, mga inang maagang nangulila sa kanilang mga anak.

Nanlumo ako sa aking mga nakikita kung kaya't minabuti kong umuwi nalamang.

Napaka bilis ng mga nangyare.
Kahapon lamang ay napaka saya ng aming bayan, kitang kita ko pa ang mga batang nagtatakbuhan sa labas ng aking bahay, matatamis nilang mga ngiti. Mga wagas nitong halakhak.

Ibang iba sa sitwasyon ngayon, ang lahat ay balot nang pangungulila ng bawat Ilaw at haligi ng tahanan.

Nagpatuloy ako sa paglakad bakas sa bawat daraanan ko ang naganap na kaguluhan.

Malapit na ko sa bahay ' ngunit mula sa di kalayuan ay natanaw Kong bukas ang pinto ng aking bahay.

"Shit"

Sambit ko sa takot,  ramdam ko ang biglang pag nginig ng aking buong katawan

Nag hanap agad ako ng matataguan.

*yabag*

Napa pikit ako ng marinig ang mga yabag na papalapit sa aking pwesto.

"Panginoon ko , tulungan nyo po ako "

Bulong ko sa aking sarili. Nanatiling naka pikit ang aking mga mata

Tagaktak ang aking pawis sa takot.
Papalapit ng papalapit ang yabag.

Biglang Dilat ko nang isang kamay ang dumapo sa aking kanang balikat, dahilan nang aking pag iktad, akmang sisigaw na ko upang humingi ng tulong nang biglang takpan nito ang aking bibig. Kundi ako nagkakamli ay tao ang nasa aking harapan akala ko ay lobo na. Madilim sa aking pinagtaguan kaya't di ko maaninag ang kanyang mukha.

"Lua, ako to "

Sa kanya pa lamang boses ay alam ko na kung sino ito.

"Eu"

Nawala ang kaba sa aking dibdib bagkus napalitan ito ng pagkasabik, matagal tagal na rin nang huli kaming magkita ng kaibigan Kong si Eusuya.

May hinuha ako kung bakit sya napadalaw.

"Tara"

Aya ko rito papunta sa aking bahay.

Ng maka pasok kame ay agad Kong isinara ang pinto at mga bintana. Saka inalok  ng makakain ang aking kaibigan.

"Nakikiramay ako sa inyong lahat"

Paunang salita ng aking kaibigan.
Hinarap ko ito mula sa kusina , Hindi malaki ang aking bahay kaya't sapat na upang makapag usap kame habang may ginagawa ako.

"Kamusta ka? ang kapatid mo? "

Tumango naman ako sa kanyang sinabi at iniba ko na agad ang aming pag uusapan.

"Gwapo pa din"

Napa tawa ako ng marinig ang kagaguhang sagot nya.

"Ulol mas gwapo ako sayo"

WOLF CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon