WOLF CRY 4

41 6 3
                                    

*EUSUYA'S POV*

"MGA ANAK KOOOOOOO!!!!!!!"

Napabalikwas ako ng marinig ko ang sigaw ng isang ginang mula sa kalayuan.

Dahan dahan akong tumayo sa aking pag kaka higa upang di magising ang mahimbing na natutulog na si Raven.

Binuksan ko ang bintana , kasabay non ang pag pasok ng napaka gandang sinag ng buwan sa loob ng aming kwarto. Bilog na Bilog ang buwan napaka lalim ng gabi ngunit tila masangsang ang Amoy ng hangin.

Dugo..

Amoy na Amoy sa buong kapaligiran ang humahalimuyak na Amoy ng Dugo.

Ngunit San iyon mang gagaling?

"MGA HAYOP KAYO!!!!! ANG MGA ANAK KO !!!!!! "

Muli kong narinig ang palahaw nang ginang. Sa aking palagay ay mula ito sa mga nakatira sa bayan na nasa ibabang bahagi ng bundok.

"AWOOOOOOOOOOOHHHHH!!!!!!"

"AWOOOOOOOOOOOHHHHH!!!!!!"

"AWOOOOOOOOOOOHHHHH!!!!!!"

Kasabay non ang sunod sunod na yabag ang akin namang narinig papalapit sa aming kinaroroonan.

Mga lobo.

Agad Kong isinara ang bintana at tinabihan ang aking Kapatid sa higaan.

Alam kong kami ang kanilang hanap, lalong lalo na ang aking Kapatid, isang malaking banta sa lahi ng mga lobo si Raven. Sa simula pa lamang ng kanyang pag silang ay may banta na ang mga ito sa kanyang buhay. Kaya napilitan kaming mag pakalayo layo yun ang utos ng aking ama sa akin.

Matagal tagal na rin kaming nag tatagong mag Kapatid, Hindi ko alam kung anong dahilan , basta ang alam ko lang,  ito ay aming kailangan. Tamang oras ang mag tatakda sa mga susunod na magaganap.

"AWOOOOOOOOOOOHHHHH!!!!!!"

"AWOOOOOOOOOOOHHHHH!!!!!!"

Naramdaman kong humigpit ang yakap ng aking kapatid.

"Shhhhhh"

Sambit ko rito habang hinahagod ang kanyang likuran

"Ku-ya , n-nakita na b-ba nila ta-tayo? "

Maiyak iyak at natatakot nitong tanong sakin.

"AWOOOOOOOOOOOOOOOOOH"

Nilagpasan ng mga lobo ang aming tahanan siguro nga at totoo ang sinabi ng matandang lalake sakin tungkol sa mga punong kahoy na naka tanim sa palibot ng kabahayan. Tanging mga normal na mga tao lamang ang makaka kita sa bahay na kinaroroonan namin. Napaka laking tulong sa aming magkapatid.

"Wala na sila , Hinding Hindi nila tayo makikita' at lalong Hindi ka nila makukuha"

Binigyan ko ito ng isang ngiti upang maka siguro sya sa aking sinabe.

" kuya natatakot ako"

"Haha duwag ka talaga"

Pang aasar ko dito, sabay ginulo ang kanyang buhok

WOLF CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon