*RAVEN'S POV*
"Raven ..."
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ng marinig ko ang isang pamilyar na tinig ng babae. Nanatili ako saking pagkakahiga habang Iniikot ang aking paningin sa buong paligid.
Mula sa magkabila kong gilid at likuran ay tanging mga nag tataasang pader lamang ang aking nakita, Samantalang Sinag ng buwan lamang mula sa kalangitan ang nag sisilbing ilaw saking kinaroroonan. Tumayo ako saking pagkakahiga saka binaybay ang daan saking harapan.
"Ao!!!"
Sigaw ko Habang nag lalakad sa walang katapusang daan.
"Becca!!!"
"Shaq!!"
"Paps!!"
"Miel!!"
Saking paglalakad ay Inisa isa kong isigaw ang ngalan nila . Nagbabakasaling Hindi lamang ako nag iisa sa lugar na ito, ngunit nabigo ako wala ni isang tumugon saking pagtawag.
"Hihihi"
Tila nawala ako saking katinuan ng marinig ang hagikgik na iyon ng isang babae. Nag paikot ikot ako saking kinatatayuan upang makita lamang ang babae. Huli na ng makita ko itong papalayo saking pwesto. Mabilis akong sumunod rito, Tinakbo ko ang daan upang maabutan lamang ito, Ngunit masyado itong maliksi. Nagpasikot sikot ito sa mga maaring likuan sa buong lugar. Doon ko napagtantong nasa loob ako ng isang labyrinth, Sa layo ng aking natakbo ay hindi ko halos tanda ang aking mga dinaanan upang maka balik saking pinag mulan.
May kadiliman na rin ang paligid dahil natatabunan na ng ulap ang buwan na nagbibigay liwanag saking daan.
Walang epekto sa lugar na ito ang aking pagiging Huwo. Ni hindi ko magamit ang aking matalas na pang amoy sa pagkakataong ito. Gayon din ang aking mga mata.
Wala akong nagawa kundi ang kumapit nalamang sa pader , at simulan iyong baybayin muli. Kung saan saan na ako napadpad sa loob ng labyrinth na ito. Liliko sa Kanan , Liliko sa Kaliwa paulit ulit lamang ang aking ginagawa ngunit tila walang patutunguhan ang aking gingawang pag abante. Wala akong makitang senyales na may makikita akong labasan sa lugar na ito. Masyadong mataas ang mga pader upang aking akyatin para lang makita ang kabuoan ng lugar na ito.
Napagdesisyunan kong susubukan ko nalamang bumalik sa lugar kung saan ako nagising.
Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang pabalik ay nakarinig ako ng tugtugan mula sa di kalayuan.
Patakbo ko iyong tinahak at halos sumigaw ako sa saya ng makita ko ang nag kikislapang ilaw mula sa bukana.
Ngiting ngiti akong lumabas sa lugar na iyon. May roong isang Maliit na bayan akong nakita , at Tila may idinaraos silang kasiyahan.
Sa pag labas ko ay sinalubong ako ng mga di ko kilalang tao.
Mali.
Hindi sila mga mukang tao.
Mga kakaibang nilalang ang mga ito. May mahahabang tainga, Ang ilan ay may sungay pa, ang iba naman ay may pakpak. Ngunit masasabi kong Lahat ng mga ito ay may nag gagandahan at gwa gwapuhang wangis, Kakaiba rin ang kanilang pananamit , Tanging ang mga maseselang bahagi lamang ng kanilang katawan ang may takip.
Ayokong maghinala sila sakin kaya naman ay pinasalamatan ko ang mga ito dahil sa ginawa nilang magiliw na pag salubong gamit ang pagtungo at ng pag ngiti.
Habang nag oobserba ako buong paligid. Ay napansin kong napaka kakaiba ng mundong ito hindi lamang dahil sa mga taong naninirahan dito kundi na rin ang mismong lugar.
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Fantasy"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...