*SHAQL'S POV*
"GOODMORNING!!!!!!!"
Masayang bati ko sakanilang lahat na kasalukuyang nasa hapagkainan.
*HUK*
Nagmamadaling nyang dinampot ang tubig matapos nya kong makita, nabilaukan pa ata haha
Muka syang gulat nang makita ako, akala nya ata ay di ko sya maaabutan nung tinakbuhan nya ko.
"Hahahahaha "
Napalingon ako sa matandang tawa ng tawa sa likuran ko, sya rin ang nag bukas sakin ng pintuan kanina'
"hijo nakita mo na ba ang hinahanap mo? ako at ang mga apo ko lang ang nandito sya si Happy Pill at sya naman si Yehey"
Isa isa nyang itinuro si happy pill at si Yehey , nakakunot noo namang tumingin sakin yung dalawa, lalo na sya.
Happy Pill?
Sya?
pangalan ba yon ? haha
"HAHAHAHAHAHAHHAHAHA"
Hindi ko mapigilan ang tawa ko ang kyut kase ng pangalan nila .
*BLAG*
Napahinto ako ng biglang tumayo si Happy Pill sa kinauupuan nya at saka sumugod sakin na hawak hawak pa ang tinidor nya at saka kinorner ako sa kanto ng dining area nila.
"woooahh!!"
Itinaas ko ang dalawang kamay ko.
Napaka agresibo naman pala ng babaeng to.
"ehemmmm"
sabay kaming napalingon sa Lolong tawa rin ng tawa kanina
"Mag kakilala ba kayo?"
Nakangising tanong nya sa apo nya. Naramdaman ko namang niluwagan nya ang hawak sakin .
phew.
akala ko katapusan ko na.
"OPO/Hindi"
Muli kaming nagkatinginan dahil sa mag kaibang isinagot namin.
"ano ba talaga ? o sya! Habang nag kwe kwento ay kumain ka na rin dito eto plato dito ka maupo sa tabi ko"
Ang daldal ng Lolo nya sana don nalang sya nag mana.
Wala kaming nagawa kundi ang sundin sya naupo ako sa katapat na upuan ni Happy Pill.
nginitian ko ito saka sumandok ng pagkain, ayos nakalibre pa ko ng almusal bwahaha.
nakita ko naman syang sunod sunod ang subo kaya napa tawa ulit ako pero Hindi naman malakas sakto lang' pero mukang napansin nya kaya sinamaan nya nanaman ako ng tingin.
Ang sungit pala talaga nito.
"as I was saying did you know each other, sya ba yung hinahanap mo?"
Muling tanong ni Lolo at sakin sya naka tingin kaya satingin ko ay ako ang gusto nyang sumagot.
nilunok ko muna ang isinubo kong pagkain.
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Фэнтези"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...