WOLF CRY XX: HELLION'S DEN 2

11 2 0
                                    

*AORI'S POV*

Hindi magkamayaw ang bawat estudyante dahil sa mas Malakas na pagyanig ng lupa , Kasabay non ang mabilis na pag lubog ng araw, tanging liwanang nalamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw mula saming kinatatayuan. Ako man ay kinakabahan sa maaring mangyare samin sa mga oras na ito at sa mga papatak pang segundo. Ngunit hindi ako nag padaig saking kaba , minabuti kong igala ang aking paningin upang obserbahan ang buong paligid.

Hinanap ko ang aking mga kaibigan.

Mula sa Kumpol ng mga naka itim ay mabilis kong nakita si Raven na tila may hinihintay lumabas mula sa makapal na usok na naka palibot samin. Kaya naman ay mas lalo ko pang inalerto ang aking  pandama, Di man ganon kasing talas gaya ng kay Raven ang mga ito ay alam kong kapaki pakinabang pa rin ako sa ganitong pagkakataon.

Habang nakikiramdam ay iginala ko naman ang aking paningin sa hanay nila Becca. Masyadong magulo ang kanilang hanay kung hindi pa ito kumaway-kaway mula sa kanyang kinatatayuan ay di ko pa ito makikita.

Agad naming nilapitan ang isa't isa.

"Si Ra----"

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!"

Naputol ang sasabihin ni Becca dahil sa tili ng isang babae. Mabilis na nag sama sama ang lahat, maging kami ay sumama sa kumpol na kanilang ginawa.

Nanlaki ang aking mata matapos lumantad saming harapan ang isang Halimaw na may roong tatlong malalaking bibig na halos maging kulay pula na ang kanyang kulay dahil sa naka palibot roong mga dugo.

Mabaho.

Humahalo sa hangin ang kanyang masangsang na amoy sa buong paligid.

Lalong nag sipag atrasan ang mga estudyante dahil sa pag lapit ng halimaw sa aming kinaroroonan, ang nakaka takot pa ay hindi lamang ito mag isa. Nang mag umpisa itong humakbang ay isa isa ring nag sulputan ang iba pang mga kakaibang nilalang sa kanyang likuran, Di tulad ng malaking halimaw na may tatlong bibig ang mga naka sunod rito ay may roon nalamang dalawang bibig, pare pareho ang kanilang itsura, nag tutulisang dila at isang malaking mata. Ang bawat isa ay makikitaan ng pagkasabik na kitlan kaming mga naririto ngayon ng buhay.

Pagkasabik na para bang mga asong ulol na hindi magkamayaw sa kung ano ang kanilang unang kakainin dahil sa dami ng putaheng kanilang pagpipilian.

"Where the hell are we ?"

"Is this what they called training ? We're all gonna die here!"

"Damn this place "

"Help us please"

Ilan lamang iyan sa mga daing ng aking mga kasama kakatwang iba iba ang linggwaheng kanilang ginagamit ngunit amin paring naintindihan ang bawat isa.

"WRRRRRAAAAARRRRR!!"

Natigilan ang lahat ng biglang magpakawala ng isang malakas na Alulong ang halimaw, kasabay non ang kanyang pagtakbo sa aming dereksyon.

Tilian ng mga kababaihan ang nangibabaw sa buong lugar.

Mabilis na nag sipagkilusan ang iba at inihanda ang kanilang mga sarili sa pag sunod ng malaking halimaw.

Sa kabila ng kanilang mga takot ay alam pa rin naming isa pa rin itong pagsubok na kailangan naming mapagtagumpayan.

Mabilis na nanguna sa pagsalubong sa halimaw ang mga keeper katuwang ang kanilang mga armas.

"ARAPESH!!!!!!!"

WOLF CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon