~K I N A B U K A S A N~
*RAVEN'S POV*
*Bzzzzzzzzzzzzzzht*
Dahan dahan kong iminulat ang aking mata ng maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa ...
*Bzzzzzzzzzzzzzzht*
PACKING TAPE!
Dali dali akong tumayo at hinanap ang phone ko na nahigaan ko.
Sana Hindi nabasag.
"kapag minamalas ka nga naman "
bulong ko sa sarili.
Paanong hindi? e naihagis ko na't lahat ng unan ko sa sahig, pero di ko na kita ang phone ko!, San na yun ?
*Bzzzzzzzzzzzzzzht*
Pinakinggan kong mabuti ang tunog kung san nag mumula at parang may imaginary arrow na umiilaw ilaw pa akong nakita at naka turo yon sa drawer.
Drawer ? weird bakit ako mag lalagay ng phone ko sa drawer. hay nako.
*Bzzzzzzzzz-*
Pinatay ko agad ang alarm
its already 4:30 am
Nag shower ako sandali saka bumaba sa sala, dumaan muna ako sa kwarto ni lolo para siguruhing nandon sya at maayos ang pag tulog saka ako nag deretso sa kusina at uminom ng kape, Pam pakondisyon para maganda ganda ang takbo ko mamaya.
matapos kong ubusin ang kape ay lumabas na ko ng bahay, dinoblouble check ko pa ang pinto bago ko umalis para siguradong naka lock , mahirap na at baka masalisihan kahit pa nandon si Yehey ay mas maganda pa ring nag iingat para iwas sa problema.
Nang maka labas ako ng gate ay muli akong tumingin sa relo ko.
5:05
Alasingko na pala' Nag umpisa na kong mag stretching sa harapan ng bahay namin at nang matapos ako ay saka ako nag umpisa ng mag lakad, hindi ko minamadali ang sarili ko habang lumalayo ang nararating ko ay binibilisan ko na ng kaunti ang pag galaw ng aking mga paa.
"phew boring"
Mahinang sambit ko habang tumatakbo.
Huminto ako sa isang tabe, sa ilalim ng isang puno, saka nag pipindot sa phone ko at nag salpak ng headset ko, hininaan ko lang ang volume dahil masyadong sensitibo ang pandinig ko.
🎶 Be my woman, girl, I'mma
Be your man
Be my woman, girl,
I'll Be your manYes I be your woman
Yes I be your baby
Yes I be whatever that you tell me when you ready
Yes I be your girl, forever your lady
You ain't never gotta worry, I'm down for you baby 🎶Na tawa ako sa kantang unang nag play parang gusto ko tuloy sumayaw ng hiphop.
Napailing nalang ako'
Malayo layo na rin ang nararating ko at habang tumatakbo ay inililibot ko rin ang aking paningin sa paligid, tunay ngang marami ng nag bago sa mundo.
Tulad ko, Hindi ako Normal lang na teenager, Holder ako sabi nila at daw ang ikina swerte ko pero para sakin ay Hindi ko maituturing na kakayahan ito. Negatibo ang pag tingin ko rito di tulad ng iba. bukod sa Mystq ko may isa pa akong sikreto, at yun ay ang pagiging Huwo, Hindi ko alam kung paano pa ako nag e exist sa panahon ngayon' masyado na daw kaseng na extinct ang katulad namin, ang totoo ay ako at si Yehey lang ang alam kong Huwo wala nang iba pa, naubos daw sila tatlong daang taon na ang nakalilipas, walang nakakaalam ng dahilan dahil ayon sa kwento masyado daw naging mahiwaga ang pagkawala nila kasabay ang pagkawala rin ng isang buong bayan kasama ng mga nakatira doon, pero may ngilan ngilan na nag sasabe na nanjan lang daw sila sa paligid na lihim na nag mamasid habang itinatago ang kanilang pagkatao.
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Fantasy"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...