**ZETH'S STORY **
Bukod sa mga tao ay may mga nilalang pang nabubuhay tulad Ng mga Cielo Ang mga ito ay may mga di pangkaraniwang anyo, sila ay nag tataglay ng mga pakpak, ngunit tulad rin ng mga tao ang kanilang pamumuhay.
Isang dalaga ang hindi maitatanggi ang angking kagandahan. sya ay nagngangalang Zeth. Ulila na si Zeth, binawian ng buhay ang kanyang ina dahil sa panganganak rito, ang kanyang ama naman ay palaisipan para sa lahat, ni minsan ay hindi nabanggit ang ngalan nito ng kanyang ina sa kanilang mga kakilala ngunit sa kabila ng kanyang pagkaulila sa kanyang mga magulang ay napalaki pa rin ng ayos ng mga Cielo ang naulilang si Zeth. likas sa dalaga ang pagiging masiyahin at pagiging matapang.
Sa hindi inaasahang pangyayari habang naglalakad papauwi ang dalaga ay napadaan ito sa ipinag babawal na silid na nasa dulo ng pasilyo ng bulwagan.
"zeth"
Isang tinig ng isang babae ang narinig ni zeth ng sya ay dumaan sa nasabing silid, nag palinga linga ang dalaga ngunit wala itong nakita sa lugar.
"si- sino yan ?"
nag tatakang tanong nito habang pasulyap sulyap sa buong pasiiyo at nang walang sumagot sakanya ay nag tuloy na ito ng kanyang paglakad at inisip nalamang na baka guni guni nya lang ang boses na kanyang narinig ngunit wala pang ilang sigundo ay narinig nito muli ang tinig.
"zeth "
sa pagkakataong iyon ay kinabahan na ang dalaga, inikot nito ang kanayng paningin sa buong paligid.
"SINO KA BA? MAG PAKITA KA! "
sigaw ni Zeth.
"Ako si Abyss "
napakunot ng noo ang dalaga sa narinig nitong pangalan.
"Abyss ?"
muling banggit nito na may tonong patanong
"ngunit wala akong kakilalang Abyss, sino ka ? magpakita ka sakin "
dagdag ng dalaga.
"hihihihihhi"
isang hagikgik ang tanging tugon ng tinig sakanya
"Abyss sagutin mo ko "
napuno ng kanyang kyuryosidad ang dalaga
"kung gusto mo akong makita , pumasok ka sa dulong kwarto ng pasilyo sa gawing kanan mo"
matapos ituro ni Abyss ang kanyang kinaroroonan ay bigla nalamang nag laho ang tinig, at gaya nga ng sinabi ni Abyss ay tinungo naman ni Zeth ang dereksyong binigay sakanya, at hindi niya inaasahan ang kanyang nakita sa dulong bahagi ng pasilyo
*BABALA : WALANG SINUMAN ANG MAAARING PUMASOK*
Isang malaking tarangkahan ang bumungad sa kanya at may isang napakalaking karatula na nakakabit dito na halos nasakop na ang buong espasyo nito.
"Abyss?"
Mahinang sambit ng dalaga habang nasa harap ito ng napaka laking tarangkahan.
"Pumasok ka Zeth sa Tarangkahan "
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Fantasy"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...