WOLF CRY 1

94 8 7
                                    


"AWOOOOOOOOOOOOOOOOOOHHH!!!!!"

Isang alulong ng lobo ang umalingawngaw sa buong kabundukan na ikinakilabot ng ilang mamamayan na nakarinig nito.
Malamig ang ihip ng hangin, nag babadya ang paparating na taglamig. maagang nag sara ng kanya kanya nilang kabahayan ang mga taong nakatira malapit sa paahan ng bundok.
Nag mamadaling umuwi ang mga kalalakihan sa kagustuhang maprotektahan ang kanilang pamilya laban sa mga mababangis na lobo na sumasalakay tuwing sasapit ang gabi sa ibat ibang bayan.

bakas sa mukha ng bawat isa ang takot sa pagdating ng mga lobo. Ilang sunod sunod na gabi na rin ang pag salakay ng mga ito sa mga karatig nilang bayan.

"aaaaaaaaaahhhh!!!!!"

Isang sigaw ng isang ginang ang nagpatindi sa takot ng mga taga roon.
sinyales na dumating na ang kanilang kinakatakutan.

mabilis na pinatay ng mga tao ang kanilang mga pailaw at naghanda sa pag sugod ng mga lobo.

maririnig sa labas ng mga kabahayan ang mga yabag na gawa ng nag tatakbuhang mga lobo. hindi magkamayaw sa pag dadasal ang mga tao.
impit ang pag iyak ng mga kabataan at kababaihang nakakarinig ng pag sigaw at pag kabasag ng mga kagamitan ng mga kabahayang napasok ng mga mababangis na lobo.

*GELUA'S P.O.V*

balitang balita sa buong kapuluan ang pag salakay ng pangkat ng mga lobo sa ibat ibang bayan. at sa gabing ito, bayan namin ang napili nilang paghasikan ng lagim, sa aking tantya ay may higit na sa sampu ang nabibiktima ng mga demonyo, sa mga oras na ito, takot at inis sa aking sarili ang aking nadarama. takot ako dahil ayoko pang mamatay ng wala man lang akong ginawang hakbang upang lumaban. inis ako sa aking sarili dahil sa kawalan ko ng kakayahang prumotekta ng kahit sinuman maski ang aking sarili sa mga ganitong pag kakataon. masyado akong naging panatag sa aking pamumuhay at nakalimutan ko na ang kalupitang kayang gawin ng pabago bagong takbo ng mundo.

*BOG*BOG* BOG* BOG*BOG*

Sunod sunod na kalabog ang narinig ko sa aking pinto, bago ako lumapit ay kumuha muna ako ng piraso ng isang espesyal na kahoy mula sa bundok ng kien.

tama nga ang aking pag papasyang kumuha ng kahoy na ito, may kakayahan ang amoy nito na makapag paamo ng anumang mabangis na hayop.

"sino yan ?"

mahinang tanong ko. ngunit walang sumagot.
halos lumabas ang aking puso sa aking katawan sa sobrang kaba, dahan dahan akong lumapit sa pinto .
humingang malalim at saka marahas na binuksan ang aking pintuan

"RAAAAAAAAAWR!!!!"

wala pang ilang segundo ay namalayan ko nalamang na naka higa na ako sa sahig at nasa ibabaw ko na ang isang nag lalaway na lobo.

inamoy amoy ako nito at pagkaraan ng ilan pang segundo ay laking gulat ko ng mag bago ito ng kanyang anyo, bigla itong tumindig sa aking harapan at naging isang kaakit akit na babae.

tinitigan ako nito at para bang nakarinig ako ng isang tinig na nag uutos na tumayo mula sa aking pag kakasadlak sa sahig , luminga linga ako sa paligid ngunit walang tao, at saka ko muling itinuon ang aking paningin sa babaeng naka tayo sa aking paanan at doon ko lamang napagtanto na sakanya maaari ang aking narinig na tinig.

"tsk"

palatak nito.

napaisip akong mabuti , ano kaya ang kanilang pakay ?
hindi ako sinaktan ng lobo matapos ako nitong amuyin, dahil kaya sa hawak kong kahoy ? o may dahilan lamang ang mga ito sa kanilang pagsalakay ? ngunit ano ? sino ? halo halo ang kuwestyon ang nag lalaro sa aking isipan.

"si- si-- ano kayo?"

garalgal kong tanong sakanya, naghahalo halo ang mga letra sa aking sasambiting salita sa sobrang kaba. ngunit imbis na mag salita ay titig lamang ang iginanti nitong sagot saakin. tumalikod na ito,at muling nag bago ng kanyang anyo bilang isang lobo saka nilisan ang aking tahanan.

makikita rin sa labas ang iba pa nitong mga kasama na nag sisipag labasan na rin sa ibang bahay.
halos gusto kong lumundag sa tuwa nang makita ko ang mga ito na isa isang naglalaho sa dilim paakyat sa bundok.

wala na ang mga lobo ...

"MGA ANAK KO !!!!!"

Sigaw ng isang nag hihinagpis na isang ina ang nangibabaw sa buong kabayanan.

Sumulip ako sa bintana upang makita kung anong nangyayare sa labas.

Napatakbo ako sa gulat ng makita kong madaming kabataang babae ang nakahandusay sa buong paligid ng kabayanan.

naliligo ang mga ito ng kanilang dugo, laslas ang mga leeg at lahat ay wala nang buhay. sa aking tantya ang mga kabataang ito ay may edad walo hanggang sampu.

nanghina ang aking tuhod sa aking nakita anong kasalanan ng mga batang ito at kanilang pinaslang ?

--------------------------------------------------
A/N :

WAY TO GO :) ENJOY READING!
KINDLY DROP YOUR COMMENTS :) DON'T FORGET TO VOTE \(^o^)/

WOLF CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon