"HUHUHUHU KUYA!!!!!!!!!!!!!!"Napatakbo ako sa loob ng sirang bahay dahil sa narinig kong sigaw na yon ng bata.
Bago pa man ako makalapit ay tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil saking nakita.
Isang lalaki ang halos mapunit ng katawan dahil sa pag wagwag sa kanya ng lobo. napuno ng dugo ang buong paligid ng bahay.
Hindi ko matagalan ang pag Tingin sa lalaki, may parang tumutusok na karayom saking puso tuwing susulyap ako dito.
"K-kuyaaaaah!!!"
Napadako naman ang aking paningin sa isang bata, pamilyar ang mukha nito sakin ngunit di ko matandaan kung san ko ito nakita , o kung nag kita na ba talaga kame.
Iyak ng iyak ang bata at katulad ng kanyang tinawag na Kuya ay puno rin ng galos ang kanyang buong katawan.
"K-r-r-r-e-i-arrrrrgggghh!!!"
Sinubukan pa sanang mag salita nang Kuya ng bata ngunit multi nanaman itong sinaktan ng mga halimaw na lobo.
naawa ako sa bata, gusto ko mang tumulong ngunit wala akong magawa.
"tama na ang laro , tapusin na ang dapat tapusin "
Isang babae ang nagsalita mula sa kulumpon ng lobo, nakita ko namang nagsitanguhan ang lahat sakanya.
Inilapag ng lobong ang lalake at batang babae sa gitna at saka pinalibutan nilang lahat.
Pakiramdam ko'y nararamdaman ko ang paghihinagpis ng batang iyon sa kanyang kuya. Mahigpit nitong inakap ang binata.
Sabay sabay namang nag talunan pasugod ang mga lobo sa magkapatid.
"WA-AHHH!!!!!!!!!!!"
Sisigaw sana ako ngunit bago ko pa ito maituloy ay nag pakawala ng isang napaka liwanag na enerhiya ang batang babae
Nakakasilaw....
~~**~~
what the hell'
Sambit ko nang magising ako' Napa hawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong nagkukumawala ito, pakiramdam ko ay nandon talaga ako sa pangyayareng yon.
Agad akong tumayo at uminom ng tubig mula sa gripo.
Napahilamos ako ng muka nang titigan ko ang aking sarili sa salamin.
"ohayo weirdo"
kausap ko sasarili, at saka lumabas na ng CR.
muli kong ibinagsak ang aking sarili sa kama. pumikit at saka inalala ang mga nakita ko sa panaginip. Biglang nag taasan ang aking mga balahibo saking mga naisip.
Yung mga taong yon .. sino sila?
*TOK*TOK*TOK*TOK*
Mula sa malalim na pag iisip nabaling ang aking atensyon sa pinto.
Tumayo ako at bahagyang binuksan ang pinto, sapat na uwang lamang para makita ko kung sino ang kumatok.
"Ohayo!' Otanjōbiomedetō my Happy Pill"
(Translation: Good morning' Happy Birthday)
si Paps
Ngiting ngiti itong bumati sakin.
Binuksan ko na ang pinto para pag masdan ang lolo kong hanggang panga ang ngiti.
BINABASA MO ANG
WOLF CRY
Fantasy"Hindi dahil sa wala kang nakikitang luha sa mata ko ay hindi na ko nasasaktan.. Minsan ang pananahimik ay mas masakit kaysa sa luhang nakikita " "Hindi lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay purong gawa ng kalaban mo , ang iba ay gawa ng sari...