Prolouge

7.2K 97 0
                                    




Halos mamuti ang mga mata ko sa inis nang madaan ako sa engineering department kung saan nakatayo ang dati kong nobyo na si Christian. Dalawang linggo na kasi mag mula nang makipag hiwalay ako rito dahil niloko niya 'ko.

Nang lalo akong makalapit sa departamento ay lalo kong narinig ang nanunuyang tawa ni Stephanie, ang bagong biktima ni Christian. Hindi ko nga alam kung bakit galit na galit ito sa 'kin gayong siya naman ang umagaw ng ex kong bakulaw?

"Ang baho! Parang nangangamoy isda?" maarteng parinig nito bago tumingin sa 'kin. Nag tawanan naman ang mga kaibigan niya sa pangunguna ni Christian.

Lalong lumingkis ang mga kamay ni Stephanie sa braso ni Christian na nakahilig naman sa pundasyon ng building habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pants niya. Magkaparehas kami ng departamento ni Stephanie habang si Christian naman ay 2nd year engineering student. Katunayan si Stephanie pa nga ang rason kung bakit naging kami ni Christian dahil mag 'bestfriend' sila. Ang hindi ko alam, fuck buddies na pala sila simula grade 12 pa lang kami ni Stephanie hanggang maging kami ni Christian. Pinag sasabay niya kaming dalawa. Nakakasuka, nakakadiri! Ngumisi ito sa 'kin na lalong kinainit ng ulo ko.

Baka kasi malapit ang bibig sa ilong, Stephanie? Pero hindi ko na 'yon sinabi dahil baka lalong lumaki pa ang away. Bumuntong hininga na lang ako at nag diretso na sa room dahil may quiz pa ako mamayang tanghali.

Gan'yan ang trip ni Stephanie simula naging sila ni Christian. Ang araw-araw akong kutyain at paringgan dahil lumaki akong nag titinda ng isda sa palengke kasama ang lola ko habang ang lolo ko naman ay nangingisda sa laot. Kahit kailan hindi ko kinahiya ang trabaho na bumubuhay samin ng lolo at lola ko. Proud pa ako sabihin na isa akong mag aaral sa umaga at tindera naman ng isda sa hapon!

Palibhasa may mga kaya ang mga ito kaya ganito na lamang nila kutyain ang isang tulad ko. Lumaking mahirap at isang kahig, isang tuka.

Habang nag aaral ay siyang pasok naman ng professor namin sa room. Napa-upo ako ng maayos bago ayusin ang blouse na nagusot mula sa pag kakasandal ko kanina.

"Class, bago tayo mag quiz may ipakikilala muna ako sa inyo. Isa siyang transferee galing manila." bungad ni ma'am bago marahang tumingin sa pintuan kung saan minuwestra niya ang kamay niya. Sinundan ko 'yon ng tingin at siya namang pasok ng isang babae.

Maganda ito. Maputi, at makinis din ang balat. Ang buhok naman niya ay may pagka-kulot. Para siyang si Mama Mary kung tutuusin!

Grabe naman sa ganda itong taong 'to.

"Please introduce yourself." ani ma'am bago ituro ang harapan ng teacher's table. Mahinhin na lumakad doon ang babae bago ito ngumiti at yumuko.

"Hi! ako nga pala si Portia Suzainne Salazar Yuchengco, pero you can call me Porsh." masiglang pag papakilala nito. Bakas din sa boses ng babae na may pagka-conyo siya marahil sa accent. Napalingon ako sa mga kaklase at nakitang nakatulala rin sila sa babae.

Yuchengco? Kung hindi ako nag kakamali ang nag iisang Yuchengco na meron dito sa Nabas ay ang anak ni Doña Cecilia Salazar na si Cecile Salazar-Yuchengco. Ang mga Salazar ang pinakamayaman na pamilya rito sa lugar namin. Nag mamay ari lang naman sila ng iilang grocery store at commercial buildings sa bayan. Ang alam ko rin meron silang sariling farm hindi kalayuan sa bahay namin. Ang anak naman ni Doña Cecilia na si Cecile Salazar ay nakapag asawa rin ng mayaman na business man sa manila. Ayon nga, si David Yuchengco.

Hindi kaya'y apo ito ni Doña Cecilia? Siguro nga. Salazar-Yuchengco nga e! Ano ba naman, Ana?

Pinaupo ni ma'am si Portia sa may likuran ko dahil 'yon na lamang ang bakante. Nag drop out na kasi 'yung kaklase namin na nakaupo talaga r'yan. Nang madaanan ni Portia ang upuan ko malambing itong ngumiti sa 'kin na sinuklian ko naman.

Mukha siyang anghel lalo sa malapitan. At mukhang mabait at kalog din base sa pagpapakilala niya sa harapan.

Nag umpisa ang quiz at ganoon na lamang ang gulat ko ng malaman na perfect ang score ni Portia kahit ngayon pa lang naman siya pumasok! Napag alaman din namin kalaunan na binigyan pala siya ng reviewer ng guro namin last week para makahabol siya sa lessons.

"Bago ang lahat, bibigyan ko kayo ng assignment na kailangan n'yo ipasa next week. By pair ito at meron kayong isang linggo upang pag handaan. Presentation lang naman ito tungkol sa social issues natin. Kayo na ang bahala kung anong issues ang gusto n'yong i-present." mahabang sinabi ni ma'am. At gaya ng makikita mo sa mga palabas, ang bida ng kwento ay na pares sa transferee student na si Portia.

Nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase ay agad ako tumayo upang mag handa na para mag tinda sa palengke.

"Bukas na lang natin pag usapan ang mangyayari sa presentation natin." lingon ko kay Portia. Ngumiti naman ito at tumango habang abala sa kausap niya sa cellphone.

"Sure, Ana! I'll talk to you tomorrow..." malambing ang boses na sagot nito na agad ding napalitan ng sigaw dahil sa kausap sa telepono. "What!? No! Room 6 nga sabi ako, Drew! Oo... tanga! kapag kumaliwa ka ibang department na yun, dimwit..." natatawang sabi nito sa kausap.

Pahina na nang pahina ang boses ni Portia nang makalayo na ako sa room. Habang nag lalakad sa hallway ay agad naman akong hinarang ng lalaking hindi pamilyar ang mukha. Matangkad ito kaya nakatingala ako sa kanya. Abala ito at parang may kausap sa telepono.

"Hi, miss, can I ask you something?" baritono at malalim ang boses ng lalaki nang mag salita. Muntik pa akong matawa. Hindi pa ba siya nag tatanong sa lagay na ito? Tumango na lamang ako. Pakibilisan lang, manong, at mag titinda pa ako!

"Yeah... yeah! I'm already on my way, Porsh... yup... just shut the fuck up, will you?... hey, miss. Do you know where room 6 is?" parang nag mamadaling sabi nito habang may binubulong sa kausap sa telepono. Siguro ang kausap niya ay si Portia dahil may kausap din ito kanina tungkol sa lokasyon kung na saan siya. Baka boyfriend niya?

Tinuro ko na lamang ang room na agad pinuntahan ng lalaki. Hindi man lang nag pasalamat si manong! Napailing na lamang ako bago nanakbo na.

A Place In This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon